Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 419 total views

27th Sunday in Ordinary Time Cycle A

Indigenous Peoples’ Sunday

Is 5:1-7 Phil 4:6-9 Mt 21:33-43

Narinig po natin ang sinabi ni San Pablo: “Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay.” Talagang kailangan natin ang ganitong payo kasi madali tayong maguluhan, madali tayong mangamba, puno tayo ng worry sa maraming bagay. Oo kailangan tayong mabahala sa mga responsibilidad natin sa buhay, pero hindi kailangang mabalisa, hindi kailangang maguluhan. Ano kaya ang maari nating gawin upang hindi tayo mabalisa?

May tatlong paraan na sinasabi sa atin sa mga pagbasa natin ngayong Linggo. Una: “Hingin natin sa Diyos ang lahat ng ating pangangailangan sa panalangin ng may pasasalamat.” Hindi tayo nag-iisa sa pagdadala ng ating mga tungkulin. May kapartner tayo. Nandiyan ang Diyos. Humingi tayo ng tulong sa kanya; ginagawa natin ito sa ating pagdarasal. Pero hindi lang basta anong pagdarasal. Magdasal tayo ng buong tiwala na humihingi pa lang nagpapasalamat na, kasi alam natin na pagbibigyan tayo ng Diyos. Kung tayo mismo ay nagdududa kung pagbibigyan ba tayo, paano niya tayo diringgin? Kung buo ang tiwala natin, hindi tayo bibiguin ng Diyos na nagmamahal sa atin. Kaya humihingi pa lang, nagpapasalamat na tayo.

Pangalawang paraan para hindi tayo mabalisa: Punuin natin ng magagandang bagay ang ating isip. Huwag tayong maging negative sa ating pananaw. Kaya nga sinabi ni San Pablo: “Dapat maging laman ng inyong pag-iisip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri, mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig at kagalang-galang.” Isipin natin ang mga ito. Think positive thoughts. Maraming nagpapabigat sa ating damdamin at nanggugulo sa ating mga kaisipan ay ang mga negatibong pag-iisip. Kaya piliin natin at dalisayin ang ating iniisip, at susunod na rin ang magagaang damdamin.

Pangatlong paraan para huwag tayong mabalisa ay gawin natin ang inaasahan ng Diyos sa atin. May inaasahan ang Diyos at kumilos siya upang ito ay mangyari. Ipinaghanda niya ang lahat upang makuha ang resulta na kanyang inaasahan. Sa ating unang pagbasa at sa ating ebanghelyo, kumilos ang may-ari ng ubasan. Siya ang nagtanim ng piling ubas. First class na binhi ang kanyang tinanim. Binakuran pa niya ang ubasan. Nagtayo pa siya ng tore upang mabantayan ang tanim. Ganoon na lang ang pag-asa niya na gumawa pa siya ng pisaan ng ubas upang ito ay gawing alak. Handa na ang lahat. Pero malaki ang pagkabigo niya kasi ang inaasahan niya ay hindi nangyari. Sa unang pagbasa, ang tumubo ay ligaw na ubas, hindi iyong first class na ubas na kanyang tinanim. Ang sumibol ay maliliit at mapapait. Sa ating ebanghelyo umaasa siya ng kanyang kaparte sa ani ngunit hindi ito binigay ng mga katiwala. Ayaw nilang ibigay ang kaparte ng may ari at gusto pa nilang angkinin ang ubasan kaya pinatay nila ang anak ng may-ari.

Ang ubasan ay ang bayan ng Diyos. Tayo ang ubasan na inalagaan ng Diyos. Dahil sa pag-alaga niya sa atin nag-aantay siya ng mabubuting gawa at pagmamahalan, pero pinagsasamantalahan natin ang kapwa. Naghahanap siya ng katarungan ngunit pang-aapi at corruption ang nangyayari sa ating bayan. Limang daang taon na niya inaalagaan ang pananampalataya sa ating bansa, bakit tayong Kristiyanong bansa ay kilala sa corruption sa ating pamahalaan? Huwag nating sisihin ang mga opisyales kasi tayo ang bumoto sa kanila. Tayo ang lumuklok sa kanila. Nagpadala tayo sa mga pangako nila o nagpabayad pa. Nasaan na ang twenty pesos na isang kilo na bigas? Nasaan na ang pangakong mawawala ang droga sa bansa sa loob ng anim ng buwan? Ang daming pinatay dahil sa pangakong ito! Bakit ang mga leaders natin ngayon na humihingi ng confidential funds? Aanhin ang confidential funds sa education? Hindi nga maayos ang mga classrooms, confidential funds pa ang hinihingi. Huwag natin sisihin ang mga opisyales kasi hindi lang na tayo ang lumuklok sa kanila, ngayong nalalaman na natin ang katiwalian na kanilang ginagawa, tahimik pa tayo. Nilulunok na lang natin ang pang-aabuso ng kanilang kapangyarihan. Kasama na rin tayo sa kanilang kasamaan at corruption.

Sa ating ebanghelyo ang inaasahan na kaparte ng may-ari ay hindi ibinigay. Ang mga katiwala ay nagpapanggap na may-ari. Inaangkin nila ang hindi sa kanila. Pinatay pa nga ang anak ng may-ari para mapasakanila na ang mana! Iyan ay nangyayari kapag hindi tayo nagbabalik handog. Hindi tayo nagbibigay ng panahon sa pagdarasal at pagsisimba – busy kasi. Hindi ba may bahagi ang Diyos sa oras natin? Hindi lang natin ibibigay ay iyung tira-tirang oras natin. Magdarasal lang ba tayo kung may panahon? Ihahanap at bibigyan natin siya ng panahon. Ang araw ng Linggo ay Araw ng Panginoon. Hindi na iyan atin! Bakit inaaakin pa natin ang Araw ng Panginoon? Kaya pati sa araw ng Linggo nandoon tayo sa basakan, nasa laot tayo, o gumagawa ng school work. Kaya kahit na anong kayod natin ganito pa rin ang buhay natin, kasi hindi naman tayo humihingi ng tulong Diyos. Hindi naman natin kinikilala ang mga biyaya niya. Paano niya tayo pagpapalain?

Binibigyan tayo ng Diyos ng kakayahan o talento. Iba-iba ang mga biyaya niya sa atin. Nagbabalik handog ba tayo ng serbisyo sa kanya? Kapag nagpatawag ng bayanihan, nakikiisa ba tayo? Kapag may gawain sa simbahan o sa communidad, tumutulong ba tayo? Nagbabalik handog tayo kasi nagpapasalamat tayo sa mga biyaya na kinikilala natin na galing sa Diyos.

Ang balik handog ay tanda rin ng ating tiwala sa Diyos. Nabibigay tayo sa Diyos kasi alam natin na hindi naman niya tayo pababayaan. Kaya may bahagi din ang Diyos sa pera na ipinagkaloob niya sa atin. Nagbibigay ba tayo ng regular sa kanya na regular naman niya tayong binibigyan?

Magiging mapayapa ang loob natin kung sinisikap nating gawin ang inaasahan ng Diyos sa atin. Umaasa siya na maging mabuting katiwala tayo na nagbibigay ng kaparte niya ng ating panahon, serbisyo at yaman. Umaasa siya na mamumunga tayo ng kabutihan at katarungan kasi inaalagaan niya tayo at hindi naman pinababayaan.

Isang pang inaasahan niya ay ang igalang natin at suportahan ang ating mga kapatid na katutubo. Marami sila – higit na sampung milyon dito sa ating bansa. Dito sa Palawan malaki ang kanilang bilang. Pero madalas hindi sila napapansin kasi isinasantabi sila ng ating lipunan. Doon sila nakatira sa mga bundok at gubat. Marami sa kanila ay hindi nakapag-aral. Iba ang kaugalian nila; marami pa nga ay mahiyain. Kaya ngayong Indigenous People’s Sunday pinapaalaala ng simbahan na sila ay bahagi ng ating lipunan at simbahan. Pakinggan natin sila. Isaalang-alang natin sila. Matuto tayo sa kanila, lalo na sa kanilang pagpapahalaga at mahigpit na kaugnayan sa Inang Kalikasan. Tulungan natin silang kilalanin at igalang ang kanilang lupang ninuno. May second collection tayo sa misa ngayon para po sa ating IP Apostolate. Ang pagpapahalaga sa mga taong isinasantabi, at kasama na dito ang mga kapatid nating katutubo, ay bahagi ng katarungan na inaasahan ng Diyos sa atin.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 26,130 total views

 26,130 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 34,230 total views

 34,230 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 52,197 total views

 52,197 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 81,258 total views

 81,258 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 101,835 total views

 101,835 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 4, 2024

 4,103 total views

 4,103 total views 3rd Sunday of Easter Cycle C Acts 5:27-32.40-41 Rev 5:11-14 Jn 21:1-19 Mula noong si Jesus ay muling nabuhay, mayroon ng pagkakaiba ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 27, 2025

 5,764 total views

 5,764 total views 2nd Sunday of Easter Cycle C Divine Mercy Sunday Acts 5:12-16 Rev:9-11.12-13 Jn 20:19-31 Sa Muling Pagkabuhay, nararanasan natin ang kadakilaan ni Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 20, 2025

 8,299 total views

 8,299 total views Easter Sunday Cycle C Acts 10:34.37-43 Col 3:1-4 Jn 20: 1-9 Happy Easter! Maligayang Linggo ng Muling Pagkabuhay! Ito na po ang matagal

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 13, 2025

 10,873 total views

 10,873 total views Palm Sunday of the Lord’s Passion Cycle C Alay Kapwa Sunday Is 50:4-7 Phil 2:6-11 Lk 12:14-23:56 Ngayon araw nagsisimula na ang Semana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 6, 2025

 12,518 total views

 12,518 total views 5th Sunday of Lent Cycle C Is 43:16-21 Phil 3:8-14 Jn 8:1-11 “Gawa ng Diyos ay dakila kaya tayo’y natutuwa.” Ito ang tugon

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 30, 2025

 14,555 total views

 14,555 total views 4th Sunday of Lent Cycle C Laetare Sunday Jos 5:9-12 2 Cor 5:5.17-21 Lk 15:1-3.11-32 “Ang tao’y ibinilang ng Diyos na kanyang kaibigan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 23, 2025

 16,921 total views

 16,921 total views 3rd Sunday of Lent Cycle C Ex 3:1-8.13-15 1 Cor 10:1-6.10-12 Lk 13:1-9 Dahil po sa television, sa radio at sa social media,

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 23, 2025

 19,014 total views

 19,014 total views 3rd Sunday of Lent Cycle C Ex 3:1-8.13-15 1 Cor 10:1-6.10-12 Lk 13:1-9 Dahil po sa television, sa radio at sa social media,

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 9, 2025

 21,543 total views

 21,543 total views 1st Sunday of Lent Cycle C Dt 26:4-10 Rom 10:8-13 Lk 4:1-13 Ang kuwaresma ay isang katangi-tanging panahon ng simbahan. Sa panahong ito

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 2, 2025

 26,016 total views

 26,016 total views 8th Sunday of the Year Cycle C Sir 27, 4-7 1 Cor 15:54-58 Lk 6:39-45 Ang ating buhay ay puno ng pagdedesisyon. Kahit

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 23, 2025

 27,432 total views

 27,432 total views 7th Sunday of Ordinary Time Cycle C St Peter the Apostle Sunday (Opus Sancti Petri) 1 Sam 26:2.7-9.12-13.22-23 1 Cor 15:45-49 Lk 6:27-38

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 16, 2025

 29,135 total views

 29,135 total views 6th Sunday of Ordinary Time Cycle C Jer 17:5-8 1 Cor 15:12.16-20 Lk 6:17.20-26 Marami sa atin, o baka lahat tayo, ay naghahanap

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 9, 2025

 31,374 total views

 31,374 total views 5th Sunday of Ordinary time Cycle C Is 6:1-2.3-8 1 Cor 15:1-11 Lk 5:1-11 Sa harap ng mga dakilang tao, o kakila-kilabot na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 2, 2025

 33,602 total views

 33,602 total views Feast of the Presentation of the Lord World Day for Consecrated and Religious Life Pro-Life Sunday Day of Prayer and Awareness against Human

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 26, 2025

 35,061 total views

 35,061 total views 3rd Sunday of Ordinary Time Cycle C Sunday of the Word of God National Bible Sunday Neh 8:2-4.5-6.8-10 1 Cor 12:12-30 Lk 1:1-4.4:14-21

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top