Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag maging duwag, hamon sa bagong talagang kura paroko ng Quiapo church

SHARE THE TRUTH

 2,467 total views

Pormal na itinalaga si Fr. Rufino “Jun” Sescon, Jr., bilang rektor at kura paroko ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Saint John the Baptist Parish sa Quiapo, Manila.

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang banal na misa at ritu ng pagtatalaga kay Fr. Sescon, kasama sina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, Jr., Lipa Archbishop Emeritus Ramon Arguelles, at mga pari, layko, at mananampalataya ng Arkidiyosesis ng Maynila.

Sa pagninilay ni Archbishop Villegas, pinaalalahanan nito si Fr. Sescon na ang misyong ipinagkaloob sa kanya ay malaking responsibilidad upang mapanatili at mapaigting ang pagpapalaganap ng pananampalataya lalo na ang debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno.

“Fr. Jun, be brave. Sa Quiapo bawal ang duwag. Huwag na huwag kang magiging duwag na manindigan para sa Diyos kahit ano ang mangyari. Kumapit sa krus, mabigat, masakit. Subalit ang bigat at sakit ng krus ay pagpapala para sa’yo at pagpapala para sa taumbayan,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Villegas.

Inihayag ng Arsobispo na mahalagang isa-alang-alang ni Fr. Sescon ang pagiging mapagpakumbaba at patuloy na tularan ang mga gawi ng Panginoon sa kabila ng mga nangyayaring pagbabago sa buhay-paglilingkod.

“Tumingala ka sa Nazareno. Be humble like Jesus. Be brave like Jesus. Be hopeful like Jesus. This is your mission and this is our prayer,” tagubilin ng Arsobispo.

Si Fr. Sescon ang dating chaplain ng Santo Niño de Paz Chapel sa Greenbelt, at Priest-in-charge ng Mary, Mother of Hope Chapel sa Landmark, Makati.

Ang bagong rektor ang humalili kay Msgr. Hernando Coronel na nagsilbi sa Quiapo Church simula taong 2015.

Samantala, isinagawa rin sa banal na pagdiriwang ang pormal na pagtanggap sa mga Parochial Vicars ng Quiapo Church na sina Fr. Robert Arellano, LRMS, Fr. Hans Magdurulang, at Fr. Jonathan Noel Mojica na makakatuwang ni Fr. Sescon sa paggabay sa mga mananampalataya at deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 13,101 total views

 13,101 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 27,812 total views

 27,812 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 40,670 total views

 40,670 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 114,896 total views

 114,896 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 170,550 total views

 170,550 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

ATM, dismayado sa mga Senador

 9,382 total views

 9,382 total views Dismayado ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa desisyon ng Senado na isantabi ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay

Read More »

Bagong Energy Secretary Garin, binatikos

 39,012 total views

 39,012 total views Mariing kinondena ng mga makakalikasang grupo, faith-based organizations, at mga residente ng Quezon ang muling pagbibigay ng exemption sa coal moratorium para sa

Read More »
1234567