Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Impeachment complaint laban kay VP Duterte nasa Senado na

SHARE THE TRUTH

 13,989 total views

Inaprubahan ng Mababang Kapulungan ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa huling araw ng sesyon ng Kamara.

Ang hakbang ay dulot ng mga paratang laban sa kanya, kabilang ang pakikipagsabwatan upang ipapatay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., malawakang katiwalian, pang-aabuso sa pondo ng gobyerno, at pagkakasangkot sa mga extrajudicial killings.

Ayon sa ulat, 215 mambabatas ang bumoto pabor sa pitong Articles of Impeachent laban sa Bise Presidente.

Ang hakbang ay magiging daan para sa paglilitis sa Senado, kung saan haharapin ni Duterte ang kaso sa Impeachment Court.

Itinalaga naman ng Kamara ang 11-mambabatas na tatayo bilang Prosecution Panel na binubuo nina Rep. Gerville R. Luistro, Romeo Acop, Rodge Gutierrez, Joel Chua, Jil Bongalon, Loreto Acharon, Marcelino Libanan, Arnan C. Panaligan, Ysabel Maria J. Zamora, Lorenz R. Defensor, at Jonathan Keith T. Flores.

Ang impeachment complaint laban kay Duterte ay nakatuon sa anim na pangunahing paratang na kinabibilangan ng: Pakikipagsabwatan sa Planong Pagpaslang; Paglustay sa P612.5 Milyong Confidential Funds; Panunuhol at Katiwalian sa DepEd; Hindi Maipaliwanag na Yaman at Pagkabigong Ipagbigay-alam ang mga Ari-arian; Pagkakasangkot sa Extrajudicial Killings (Davao Death Squad); at Destabilization, Insurrection, at Public Disorder

Makaraang pagtibayin sa Mababang Kapulungan, agad na ipinadala ni Speaker Romualdez ang mga Articles of Impeachment sa Senado, kung saan haharapin ng Pangalawang Pangulo ang paglilitis sa Impeachment Court.

Kinakailangan na lamang ng two-thirds vote ng Senado upang hatulan at tanggalin si Duterte sa puwesto.

Sakaling mapatunayang nagkasala, siya ay hindi na maaring humawak ng anumang pampublikong posisyon sa hinaharap.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

POOR GETTING POORER

 30,257 total views

 30,257 total views Bakit hindi na nakaka-ahon sa kahirapan ang maraming Pilipino habang patuloy namang yumayaman ang mga mayayaman na? Ano ang pumipigil sa mga mahihirap

Read More »

LUCKY 15

 48,849 total views

 48,849 total views Sila ang pinagpala., ang 15 kumpanyang ito ang nakakuha ng mahigit sa 100-bilyong pisong flood control projects 0 20-porsiyento ng kabuuang flood control

Read More »

Sumbong sa pangulo

 65,359 total views

 65,359 total views Mga Kapanalig, inilunsad ni Pangulong Bongbong Marcos Jr noong nakaraang Lunes, Agosto 11, ang “Sumbong sa Pangulo” website na layong magbigay impormasyon tungkol

Read More »

Tapang at malasakit sa gitna ng panganib

 84,581 total views

 84,581 total views Mga Kapanalig, dahil sa mahusay na pagmamaniobra ng Philippine Coast Guard (o PCG), nakaligtas ang kanilang barko sa muntikang banggaan ng mga barko

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

PPCRV, umalma sa pagpapaliban ng BSKE

 21,720 total views

 21,720 total views Nanawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na igalang ang kasagraduhan ng regular na pagsasagawa ng halalang pambarangay sa bansa. Ito

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top