Information drive sa Universal Health Care Law, palalakasin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,877 total reads

Binigyang diin ni Malasakit at Bayanihan Partylist Representative Anthony Golez na mahalagang maunawaan ng bawat Pilipino ang nilalaman ng Universal Health Care Law.

Sinabi ni Golez na sa pamamagitan ng batas ay mabigyang kalinga ang pangangailangang pangkalusugan ng mamamayan.

“Dito sa Universal Health Care law mahalaga po na malaman natin na ito ang susi para ma improve ang health care system natin. Pini-prepare po iyan more than 20 years ago and now is the time to implement it,” pahayag ni Golez sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng mambabatas 2004 nang magkaroon ang Department of Health ng Health Sector Reform Agenda tungo sa universal healthcare na kasalukuyang ipinatutupad.

Tinukoy ni Golez na kabilang sa mandato ng batas ang pagpapaigting sa primary health care centers sa mga kanayunan upang matugunan ang kalusugan ng mamamayan at maiwasan ang paglala ng karamdaman.

“Ang importante po dito ang Department of Health turuan ang lahat ng Local Government Unit about its implementation,” ani Golez.

Ibinahagi rin nito ang pinalakas na ‘Konsulta Package’ na kabilang sa Universal Health Care Law na ipinatutupad ng Philhealth na mapakikinabangan ng mga Pilipino.

Tampok sa programa ang 500 hanggang 750 pisong konsulta package sa mga partner healthcare facilities kung saan bukod sa pagpapakonsulta kasama rin dito ang mga gamot at laboratory.

Tiniyak ni Golez na gumagawa rin ito ng hakbang na matulungan ang DOH sa pagtugon sa pangangailangan ng healthcare workers upang manatili sa bansa at maglingkod sa mga Pilipino.

Kabilang sa hakbang ang pagbibigay ng plantilla positions sa mga doctor na katuwang ng pamahalaan sa health sector alinsunod sa ulat ng DOH na may nalalabing pitong bilyong piso para sa plantilla position.

Una nang sinuportahan ng simbahang katolika ang Universal Health Care Law at iba pang kaakibat na programa ng pamahalaan na magpapabuti sa sektor ng kalusugan sa bansa na makatutugon sa mga suliranin tulad ng nagdaang pandemya.

UNDAS 2026, generally peaceful

 24,206 total reads

 24,206 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 43,535 total reads

 43,535 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 93,287 total reads

 93,287 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 252,481 total reads

 252,481 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 279,641 total reads

 279,641 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 312,020 total reads

 312,020 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top