Isabuhay ang paglingap sa kapwa ngayong 500YOC-Archbishop Palma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 659 total reads

Naniniwala ang arsobispo ng Cebu na ang bawat isa ay disipulo ng Panginoon.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Archbishop Jose Palma sa Banal na Misa sa proyektong Simbayanan bilang bahagi ng pagdiriwang ng 500 Years of Christianity ng bansa.

Ipinaliwanag ng arsobispo na bilang tagasunod at sumasampalataya sa Panginoong Hesukristo ay nararapat na sundin at tularan ang mga halimbawang ipinakikita sa Banal na Kasulatan.

“We are believers, yes. But more than just believers, we are disciples. Which means, believing in Jesus, we have to follow the way of Jesus,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Palma.

Ito rin ang patuloy na panawagan ng simbahan sa mamamayan lalo ngayong ipinagdiwang ng bansa ang ikalimang sentenaryo ng krisityanismo kung saan hamon sa bawat isa na ipalaganap ang diwa ng pagmimisyon sa lipunan.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Nitong Abril pinangunahan ng arkidiyosesis ang isa sa tampok ng gawain ng 500YoC ang pagsariwa sa sakramento ng binyag.

Ito ang pagsasadula at paggunita sa unang binyag ng Pilipinas na nangyari noong Abril 14, 1521 kung saan unang inihasik ng mga dayuhang misyonero ang binhi ng kristiyanismo.

Umaasa si Archbishop Palma na hindi lamang sa salita ang pagdiriwang ng limandaang taon ng pananampalata kundi higit na isabuhay sa paglingap sa kapwa lalo ang higit nangangailangan sa lipunan.

“For all of us disciples of Jesus, we pray, that as we celebrate 500 YoC, any form of authority should always be seen in the context of service,” dagdag pa ng arsobispo.

Ginanap ang Simbayanan mass sa Cebu Metropolitan Cathedral sa pangunguna ni Archbishop Palma kasama si Auxiliary Bishop Emeritus Antonio Ranola at iba pang pari ng arkidiyosesis.

Ito ay napakinggan sa Radio Veritas at sa mahigit 50 CMN station nationwide at napapanuod sa social media pages ng mga diyosesis, arkidiyosesis, prelatura at apostolic vicariates sa buong bansa.

Ang Simbayanan project ay inisyatibo ng media arm ng Archdiocese of Manila katuwang ang social communications ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at Catholic Media Network nationwide.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 183,012 total reads

 183,012 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 211,886 total reads

 211,886 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 246,007 total reads

 246,007 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 302,412 total reads

 302,412 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top