Mawala ang “pandemic of indifference”, layon ng isasagawang penitential walk ng mga Pari ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 754 total reads

Inihayag ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na pagsisi at pagbabalik loob ang mensahe ng Panginoon sa naranasang pandemya.

Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Bishop Bacani na pinaalalahanan ng Panginoon ang sangkatauhan sapagkat labis na ang naranasang ‘pandemic of indifference’ o pagsasantabi sa pangangailangan ng kapwa.

“Sa naranasang pandemic ngayon may mensahe sa atin ang Diyos, masyado nang nilalabag at tinatakpan ang Diyos; mensahe ng Diyos sa tao na gamitin ang lahat ng bagay na ipinagkaloob ngunit huwag kayong magmalaki at makasarili; mas malaki ang pandemic of indifference kaysa sa COVID-19 pandemic,” pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Bishop Bacani na ang pagsantabi at paglimot sa kapwa lalo na sa maralita ay maituturing na paglimot sa Diyos.

[smartslider3 slider=22]

Sinabi pa ni Bishop Bacani na ito rin ang paalala ng Panginoon sa Banal na Kasulatan sa ikalawang Cronica kabanata pito talata 14 kung saan sinabi ng Diyos na ang tumawag sa Kanyang pangalan at magpakumbaba ay diringgin at pagagalingin ang ang anumang salot sa lupain.

Dahil dito, magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng ‘Day of prayer, fasting and penitential service’ sa Hunyo 1, 2021 bilang tanda ng pagsisisi at pagbabalik loob sa Panginoon at hudyat sa pagsisimula ng buwan ng Kabanal-banalang puso ni Hesus at Kalinis-linisang puso ni Maria.

Sa pastoral instruction ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo hinimok nito ang mga pari ng arkidiyosesis na makiisa sa penitential service sa Minor Basilica of the Black Nazarene kung saan dudulog ang mga pari sa sakramento ng kumpisal.

Ayon kay Bishop Bacani, mahalaga ang pagsisisi ng mga pastol ng simbahan sapagkat sila ang kinatawan ng sambayanan lalo ngayong umiiral ang pandemya at limitado ang maaring makadulog sa sakramento ng kumpisal sa mga simbahan.

“Huwag itong ituring na gawain lamang ng mga pari kundi tanawin na ang mga pari ay kinatawan ng buong sambayanang nagsisisi at tumalikod sa pagiging makasarili,” ani Bishop Bacani.

Alas 8:30 ng umaga isasawa ang communal penitential service sa Quiapo Church na agad susundan ng penitential walk patungong Sta. Cruz church kung saan ipagdiwang ang Banal na Misa na pangungunahan ni Bishop Pabillo.

Ipanalangin sa misa ang natatanging intensyon ng sambayanan, ang paghilom ng daigdig sa nakakahawang sakit at pagkakaisa ng lipunan.

Sa tala ng World Health Organization umabot na sa halos 170 milyon ang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa buong daigdig kung saan 3.4 na milyon ang nasawi.

Kaugnay dito hinimok ni Bishop Bacani ang mananampalataya sa buong bansa na makiisa at makilahok sa gawain sa pamamagitan ng online livestream sa Radyo Veritas PH, TV Maria, Quiapo Church, The Manila Cathedral at sa iba pang social media pages ng simbahan.

Patuloy ang simbahan sa pagsasagawa ng mga gawaing makatutulong mapalakas ang kalooban ng mamamayan sa gitna ng naranasang pandemya at higit na pag-alabin ang espiritwalidad ng mananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 54,379 total reads

 54,379 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 100,963 total reads

 100,963 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 202,230 total reads

 202,230 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 272,417 total reads

 272,417 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 355,721 total reads

 355,721 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top