Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Itaguyod ang katotohanan

SHARE THE TRUTH

 297 total views

Ito ang hamon ni Howie Severino, Vice President for Professional Development ng GMA Network sa mga Social Communicators sa 5th National Catholic Media Convention, sa Lipa City, Batangas.

Ayon kay Severino, mahalagang itaguyod ang katotohanan sa lahat ng aspeto subalit lalo’t higit sa larangan ng pamamahayag.

Pinayuhan din nito ang mga Social Communicators na maging mapanuri upang matukoy ang katotohanan sa gitna ng paglaganap ng mga maling akusasyon at mga maling balita.

Naniniwala din si Severino sa lakas at potensyal ng simbahan upang manindigan at ipagtanggol ang katotohanan.

Aniya, malaki ang maitutulong ng pag-suporta at pagtulad sa katapangang ipinapamalas ni Fr. Albert Alejo, SJ na ngayon ay kabilang sa inaakusahan ng mga maling paratang.

“Ang potensyal ng simbahan ay sa tingin ko sa akin is to inspire people to be brave and there are opportunities to do that right now one of my good friend si Fr. Albert Alejo is in the cross fire, batang bata pa kami magkaibigan na kami and I have followed his journey so he’s done a lot more than many Filipinos to stand up and stand for the truth basically so he’s been an example of courage and maybe we need more people like him.” Pahayag ni Severino sa panayam ng Radyo Veritas.

Samantala, hinamon pa nito ang simbahan na sikaping masabayan ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at ang paggamit ng social media upang maabot ang mas maraming mga mananampalataya.

Aniya, maraming makabagong teknolohiya na kinakailangang madiskubre lalo na ng simbahan upang magamit ito sa kabutihan at pagpapalaganap ng katotohanan, sa halip na sa maling pamamaraan ng paggamit.

“Ang daming technologies ngayon na hindi pa halos na ta-tap and the ones who are best tapping the new technologies to be very honest are people who don’t have good intentions. Na gain nila ‘tong system na to and we’re catching up, we’re only catching up. It’s obvious. We all do, [the church needs to catch up with the new technology].” Dagdag pa ni Severino.

Nitong ika-6 hanggang ika-9 ng Agosto ginanap ang taunang National Catholic Media Convention sa pangunguna ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Social Communications (CBCP ECSC).

Tinatayang humigit kumulang 180 mga delegado mula sa 86 na mga Diyosesis at Arkidiyosesis sa buong Pilipinas ang dumalo sa pagtitipon ng mga Social Communicators at inaasahan ang mga ito na magiging tagapagpalaganap ng mabuting balita ng Panginoon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 14,220 total views

 14,220 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 34,157 total views

 34,157 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 51,417 total views

 51,417 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 64,945 total views

 64,945 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,525 total views

 81,525 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,679 total views

 7,679 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 165,529 total views

 165,529 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 109,375 total views

 109,375 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top