Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ituwid ang mali, tungkulin ng bawat binyagang Kristiyano

SHARE THE TRUTH

 429 total views

Tungkulin ng lahat ng binyagan na maging katuwang ng Simbahan sa pagpuna at pagtutuwid sa mga nalihis ng landas pabalik sa Panginoon.

Ito ang binigyang diin ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa paksa ng paghahanda sa ika-500 ng Kristiyanismo sa Pilipinas at sa naging Kapistahan ng Pagbibinyag kay Hesus.

Ayon sa Obispo, ang pagkakatawang tao ni Hesus ay hindi lamang upang tupdin ang pangakong kaligtasan ng Panginoon kundi upang gabayan rin ang buhay ng sangkatauhan papalapit sa liwanag ni Kristo.

Iginiit ni Bishop Pabillo na mahalaga ang liwanag ng katotohanan, kapayapaan, katarungan at pag-ibig ni Hesus sa lahat ng aspekto ng buhay ng bawat isa.

“Jesus came not only to bring salvation to our souls, he has come to all our human condition now and in the life to come, kaya bilang mga binyagan dapat nating ilapit ang lahat sa liwanag ni Kristo, ano ba ang liwanag ni Kristo, ito ay liwanag ng Katotohanan, liwanag ng kapayapaan, liwanag ng katarungan, liwanag ng pag-ibig and all of this truth, peace, justice and love are needed in all our dealings be it in church, be it in our families, be it in business, be it in politics, be it in social media.”pagninilay ni Bishop Broderick Pabillo.

Paliwanag ng Obispo, bahagi ng tungkulin ng mga binyagan na maging katuwang ng Simbahan sa pagpuna at pagtutuwid sa mga nalilihis sa landas ng Panginoon tulad ng kawalan ng katarungan.

Inihayag ni Bishop Pabillo na higit na kailangan ng mga binyagan na makialam at makibahagi sa mga usaping panlipunan bilang katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita at pangako ng kaligtasan ng Panginoon.

“Kaya masasabi ng iba na okey lang magsalita ang Simbahan laban sa kasinungalingan sa bahay pero hindi sa kasinungalingan sa gobyerno, at ngayon ay may malaking issue tayo tungkol sa kasinungalingan sa paggamit ng vaccine exempted ba ang gobyerno o ang business sa kaligtasan na dala ni Kristo, ang lahat ng institusyon na lihis sa katotohan, sa kapayapaan, sa katarungan at sa pag-ibig ay kailangan punahin at ituwid, ito ay tungkulin ng lahat ng binyagan, ng bawat isa sa atin.” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Ipinaliwanag rin ng Obispo na bukod sa isang biyaya ay may kaakibat rin na tungkulin ang sakramento ng binyag na tinatawagan ang bawat isa upang maging misyunero at ibahagi sa kapwa ang biyaya ng pananampalataya.

Sinabi ni Bishop Pabillo na ito ay hamon at panawagan para sa paghahanda ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas na Year of Missio Ad Gentes na may temang Gifted to love.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 27,656 total views

 27,656 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 35,756 total views

 35,756 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 53,723 total views

 53,723 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 82,768 total views

 82,768 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 103,345 total views

 103,345 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 1,302 total views

 1,302 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 2,121 total views

 2,121 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 12,142 total views

 12,142 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top