Kaligtasan ng mamamayan, panalangin ni Bishop Cabajog sa pinangangambahang super typhoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,441 total reads

Ipinapanalangin ni Surigao Bishop Antonieto Cabajog ang kaligtasan ng bansa mula sa binabantayang Super typhoon na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility.

Ito ay ang bagyong may international name na Mawar at tatawaging bagyong Betty kapag nakapasok na sa PAR.

Ayon kay Bishop Cabajog, patuloy nawang gabayan ng Panginoong Hesus ang bansa mula sa pinangangambahang bagyo, at iligtas ang bawat isa mula sa anumang pinsalang maidudulot nito sa mga buhay at ari-arian.

“Heavenly Father, before His ascension to heaven, Jesus promised to be with us until the end of age. We are never left orphans because He is Emmanuel, God with us. Threatened by another super-typhoon, we come before you in complete trust that no harm would befall us. May Jesus, who calmed the storm and exhorted His apostles “not to be afraid,” be our strength to see us through. Amen,” panalangin ni Bishop Cabajog mula sa panayam ng Radyo Veritas.

Dalangin din ni Bishop Cabajog na hindi na maulit ang naranasan ng lalawigan ng Surigao del Norte nang manalasa ang Super Typhoon Odette noong Disyembre 2021.

Lubhang napinsala ng Bagyong Odette na may international name na Super Typhoon Rai ang mga isla sa Visayas at Mindanao na nagdulot ng malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, at pinsala sa mga tahanan ng nasa 7.8 milyong populasyon sa 11-rehiyon sa bansa.

Batay sa huling ulat ng PAGASA, huling namataan ang mata ng Typhoon Mawar sa layong 2,215 kilometrong Silangan ng Visayas, taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 185 kilometro kada oras malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 230 kilometro kada oras habang mabagal na binabagtas ang direksyong pa-hilagang kanluran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 198,717 total reads

 198,717 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 226,588 total reads

 226,588 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 260,710 total reads

 260,710 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 317,114 total reads

 317,114 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 183,766 total reads

 183,766 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top