Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Karahasan laban sa mga katutubo sa Panay island, kinondena ng Visayan Bishops

SHARE THE TRUTH

 448 total views

Nagkaisa ang mga Obispo ng Western Visayas region na binubuo ng Metropolitan See of Jaro at Metropolitan See of Capiz sa pagkondena ng karahasang sinapit ng mga katutubong Tumandok sa Tapaz, Capiz bago matapos ang taong 2020.

Sa liham pastoral na nilagdaan ng mga Obispo ng Western Visayas region, kinundena ng mga lider ng Simbahang Katolika ang naganap na joint operation ng Philippine Army at Philippine National Police VI noong ika-30 ng Disyembre na nagtungo sa Tapaz, Capiz at Calinog, Iloilo upang maghain ng 28 search warrants sa ilalim ng Synchronized Enhanced Management of Police Operation (SEMPO) kung saan 17 katutubong Tumandok ang naaresto habang 9 naman ang nasawi.

Ayon sa mga Obispo, kaisa ng mamamayan ang Simbahan sa pananawagan ng katarungan gayundin ang pagkundina sa karahasan nagaganap sa lipunan.



Ikinadismaya ng mga Obispo ang hindi matapos-tapos na karahasan sa bansa na nagsimula sa madugong implementasyon ng War on Drugs, red-tagging sa mga kritiko ng pamahalaan partikular na sa Negros Island at pagpaslang na nagaganap sa mga katutubo sa Panay Island dahil sa pagtutol ng mga ito sa pagtatayo ng Jalaur Mega Dam.

Bilang boses ng mga naisasantabi at napagmamalupitan sa lipunan ay umapela ang mga Obispo ng Metropolitan See of Jaro at Metropolitan See of Capiz na masusing imbestigahan ang naganap na insidente sa mga katutubong Tumandok gayundin ang muling pagsusuri sa planong pagpapatayo sa Jalaur Mega Dam.

Nanawagan rin ang mga Obispo laban sa militarization na nagaganap sa mga IP Communities.

Muli ring umapela ang mga Obispo sa pagsusuot ng body camera ng mga alagad ng batas sa mga operasyon hindi lamang bilang proteksyon ng mga mamamayan laban sa karahasan at pang-aabuso ng mga alagad ng batas kundi upang magsilbi ring patunay sa tunay na naganap sa kanilang isasagawang operasyon.

Hinikayat rin ng mga Obispo ang lahat na patuloy na manalangin at maging mapagmatyag upang maprotektahan ang kapwa mula sa pang-aabuso o karahasan sa lipunan.

Binubuo ang Metropolitan See of Jaro nina Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo, San Jose de Antique Bishop Marvyn Maceda, Bacolod Bishop Patricio Abella Buzon, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza at Kabankalan Bishop Louie Galbines habang ang Metropolitan See of Capiz naman ay binubuo nina Kalibo Bishop Jose Tala-oc, Romblon Bishop Narciso Abellana at Capiz Archbishop Jose Cardinal Advincula

PASTORAL-LETTER-OF-WESTERN-VISAYAS-BISHOPS-ON-TUMANDOK-KILLINGS-1-1

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 17,619 total views

 17,619 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 25,719 total views

 25,719 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 43,686 total views

 43,686 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 72,851 total views

 72,851 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 93,428 total views

 93,428 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 480 total views

 480 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 1,300 total views

 1,300 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 12,001 total views

 12,001 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top