KOSMAT, nadagdag sa mga tumututol sa pagtatayo ng Kaliwa dam

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,553 total reads

Mahigpit na tinututulan ng Koalisyon ng mga Organisadong Samahan ng Maralitang Tagalunsod o KOSMAT ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam sa bahagi ng Sierra Madre.v

Ayon sa pahayag ng KOSMAT, kapag tuluyang naisakatuparan ang malaking proyekto, higit itong magdudulot ng malaking pinsala sa Sierra Madre gayundin sa mga tahanan ng katutubong komunidad.

Ipinaliwanag ng grupo na sa halip na mga mapaminsalang proyekto, higit na kailangan ng kalikasan na mapangalagaan upang mapigilan ang paglala ng pagbabago ng klima na nagbubunsod sa pagkakaroon ng malalakas na sakuna.

“Ang bulubundukin ng Sierra Madre na likas na panangga laban sa mga malalakas na bagyo katulad ng nakaraang Bagyong Karding na nagdulot ng malawakang pagbaha at pagkasira ng mga ari-arian at kabuhayan ay nararapat lamang na ingatan at pangalagaan,” bahagi ng pahayag ng KOSMAT.

Patuloy namang hinihiling ng sektor ng maralita sa pamahalaan na mapagtuunan ang karapatan na magkaroon ng maayos, ligtas, at abot-kayang pabahay na naaayon sa kanilang pangangailangan.

Isinusulong din ng grupo ang pagsuporta at pakikiisa sa mga katutubo upang tutulan ang pagsira at pagpapaalis sa kanilang mga lupaing ninuno.

“Naniniwala kami na kasabay ng pagpapaunlad ay ang pagkilala ng mga karapatan at kultura ng mga kapatid nating mga katutubo,” saad ng grupo.

Panawagan naman ng grupo sa pamahalaan na ihinto ang Kaliwa Dam Project at maging bukas sa mga alternatibong solusyon ng mga eksperto sa paglutas ng krisis sa tubig.

Nanindigan din ang KOSMAT na ang pangangalaga sa kalikasan ng mga nasa kapangyarihan ang magpapatunay ng pagpapahalaga sa sektor ng mga maralita na biktima at higit na apektado kapag nagkakaroon ng mga sakuna.

Nagkakahalaga ng higit P12-bilyon ang New Centennial Water Source o Kaliwa Dam Project sa ilalim ng kontrata sa pagitan ng Metropolitan Water Works and Sewerage System (MWSS) at Chinese Energy na sinasabing tutugon sa kakulangan ng tubig sa Metro Manila.

Ito ay may taas na 60-metro at may lawak na 291-ektaryang saklaw ang mga bayan ng General Nakar at Infanta sa lalawigan ng Quezon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 358 total reads

 358 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 221,039 total reads

 221,039 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 255,712 total reads

 255,712 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 271,612 total reads

 271,612 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 308,077 total reads

 308,077 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 93,594 total reads

 93,594 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top