“Let us work together as church and state for the sake of truth, justice, and peace” -Archbishop Bendico.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,763 total reads

Humiling ng panalangin si Capiz Archbishop Victor Bendico sa mananampalataya para sa kanyang pagpapastol sa arkidiyosesis.

Ayon sa arsobispo bagamat isang panibagong hamon ang iniatang bilang pastol ng simbahan ay mapagtatagumpayan ito sa pakikiisa at pananalangin ng nasasakupang kawan.

“Pray for me that, I may be able to carry out my duties and responsibilities entrusted to me in shepherding the archdiocese,” pahayag ni Archbishop Bendico sa Radio Veritas.

Sa anim na taong pagiging obispo ng Diocese of Baguio pinaiigting nito ang pagtupad sa tungkulin bilang pastol ng simbahan bukod sa espiritwalidad ay bahagi rin ng adbokasiya nito ang pangangalaga sa kalikasan, mga katutubo gayundin sa pantay na karapatan ng mamamayan.

Matapos ang anim na taong paninilbihan sa Baguio ay hinirang ni Pope Francis si Archbishop Bendico bilang ikaapat na arsobispo ng Capiz noong March 3, 2023.

Samantala hiling ni Archbishop Bendico sa mga opisyal ng pamahalaan ng Capiz ang pagtutulungan para sa kabutihan ng mga Capiznon.

Naniniwala ang punong pastol sa 800, 000 katoliko sa lalawigan na nararapat iisa ang hangarin ng simbahan at pamahalaan sa paglilingkod sa lipunan.

“Let us continue our close collaboration, let us work together as church and state for the sake of truth, justice, and peace for the common good of our people,” apela ni Archbishop Bendico.

Si Archbishop Bendico ay tubong Capiz na kahalili ni Cardinal Jose Advincula na itinalaga ng Santo Papa Francisco sa Archdiocese of Manila noong 2021.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang installation ng arsobispo kasama sina Cardinal Advincula at Cotabato Archbishop Emeritus Cardinal Orlando Quevedo.

Bukod sa mananampalataya dumalo rin sa pagtitipon ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Capiz sa pangunguna ni Governor Fredenil Castro at ilang mga obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Kasalukuyang pinamahalaan ni Archbishop Bendico bilang chairman ang CBCP Episcopal Commission on Liturgy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 209,238 total reads

 209,238 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 236,502 total reads

 236,502 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 270,624 total reads

 270,624 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 327,027 total reads

 327,027 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top