Maging bahagi ng Guinness World records, makiisa sa 2025 Alay Lakad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,023 total reads

Muling inaanyayahan ng Diocese of Antipolo ang mananampalataya na makiisa sa taunang Alay Lakad patungong International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral sa Huwebes Santo.

Ayon kay Parish Priest, Antipolo Bishop Ruperto Santos ito ang natatanging panahon upang ipahayag ang malalim na pananampalataya ng mga Pilipino na nakikiisa sa sakripisyo ng Panginoon sa pamamagitan ng paglalakad ng 17 kilometro mula Metro Manila patungong Antipolo Cathedral.

Layunin ngayong taon na makilala ang Alay Lakad ng diyosesis sa buong mundo lalo na sa Guinness World Records bilang ‘Largest Gathering for a Walking Pilgrimage in 12 Hours’ sapagkat magsisimula ang paglalakad ng mga perigrino sa April 17, Huwebes Santo, sa alas sais ng gabi hanggang April 18, Biyernes Santo, sa alas sais ng umaga.

“Such a record would not only highlight the spiritual significance of the pilgrimage but also bring global recognition to the cultural and religious traditions of the Philippines,” pahayag ni Bishop Santos.

Matatandaang noong 2024 tinatayang nasa 7.4 million perigrino ang nakilahok sa Alay Lakad na kung saan pagsapit sa dambana ng Antipolo Cathedral ay nag-aalay ng panalangin ang mga nakikilahok at mga barya bilang pakikiisa sa mga layunin ng simbahan lalo kabilang na ang paglingap sa kapwa.

Noong nakalipas na taon nakalikom ng mahigit 100, 000 piso ang dambana mula sa mga baryang inialay ng mga perigrino na ginamit naman ng diyosesis upang pondohan ang pagpapatayo ng Chapel of Our Lady of Antipolo Tanay Rizal na magiging sentro ng pagpapalalim sa pananampalataya at sakramento ng simbahan lalo na ang pag-iisang dibdib.

Kasabay nitong Alay Lakad ang puspusang paghahanda ng international shrine sa nalalapit na pagsisimula ng pilgrimage season sa Mayo na magtatagal hanggang Hulyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 8,266 total reads

 8,266 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 44,327 total reads

 44,327 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 100,733 total reads

 100,733 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 224,035 total reads

 224,035 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top