Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maging pag-asa at aktibong boses ng simbahan at lipunan, hamon sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

 1,836 total views

Sa pagdiriwang ng Diocesan Youth Day 2025 at pagsasara ng Jubilee Year of Hope for the Youth, hinimok ng Diocese of Novaliches Commission on Youth (COY) ang libo-libong kabataan na manatiling matatag sa pag-asa at maging aktibong tinig sa Simbahan at lipunan.

Binigyang-diin ni Fr. John Harvey Bagos, Priest Coordinator ng COY Novaliches, na ang pag-asa ay hindi lamang pakiramdam o ideya, kundi isang panawagan na kumilos, makisama sa paglalakbay ng kapwa, at tuparin ang misyon na iniatang ni Jesus.

Ayon sa pari, ang kabataan ay hindi simpleng tagapakinig lamang, kundi tinatawag upang maging tagapaghatid ng pag-asa sa mga pagkakataong may pangangailangan, pagkalito, at paghahanap ng direksyon.

“Sa mga kabataan na nakiisa at patuloy na nakikia-accompany sa kapwa-kabataan, nais kong patuloy kayong anyayahan. Huwag tayong bibitaw kay Jesus. Siya lang ang ating tinig na pakinggan,” pahayag ni Fr. Bagos mula sa panayam ng Radyo Veritas.

Dagdag pa ni Fr. Bagos, ang kabataan ay kailangang manatiling nakatuon sa tinig ni Jesus sa halip na malito sa iba’t ibang ingay mula sa mundo—lalo na sa panahong puno ng maling impormasyon, kaguluhan, at magkakasalungat na opinyon.

Aniya, ang pag-asa ay nagiging totoo lamang kapag ito’y ibinabahagi at isinasabuhay sa pakikipaglakbay sa kapwa.

“Marami tayong pwedeng mapakinggan, pero pakinggan lang natin ang tinig ni Jesus. Siya ang nagdadala ng tunay na pag-asang kailanman hindi tatahimik sa mga suliranin ng buhay,” ayon kay Fr. Bagos.

Samantala. iginiit naman ni Eunesi Marie Bacud, Youth Coordinator ng COY Nova, na ang pag-asa ay may kaakibat na pananagutan at hindi dapat manatili sa salita lamang.

Ayon kay Bacud, bagamat maraming personal at panlipunang hamon ang kinakaharap ng kabataan ngayon, mahalagang maunawaan na bawat isa ay may tinig at kakayahang maghatid ng liwanag sa mga kalagayang kanilang tinutugunan.

Aniya, ang pagdiriwang ng DYD 2025 at pagtatapos ng Hubileo ng Kabataan ay mahalagang pagkakataon upang himukin ang kabataan na maging mulat, mapanuri, at may pananagutan sa kanilang papel sa Simbahan at lipunan.

“Tayo ‘yung ngayon at ang future ng ating bayan, ng simbahan, dapat tayo may pakialam. ‘Yun ‘yung gusto nating sabihin—dapat accountable tayo, dapat aware tayo.”

Tema ng pagtitipon ng mga kabataan ng Diyosesis ng Novaliches ang “Tinig: Ang Tunay na Pag-asa ay Hindi Tahimik,” na naglalayong pag-alabin ang pananampalataya, pagkakaisa, at malasakit ng mga kabataan sa lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 18,719 total views

 18,719 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 80,749 total views

 80,749 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 100,986 total views

 100,986 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 115,255 total views

 115,255 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 138,088 total views

 138,088 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top