Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mahusay na edukasyon, pangako ng Pasig Catholic College sa mag-aaral

SHARE THE TRUTH

 2,546 total views

Patuloy na gagampanan ng Pasig Catholic College (PCC) ang pagsisikap na makapagbahagi ng mahusay na edukasyon at pagtuturo ng mabuting katangian para sa mga kabataan.

Ito ang pangako ni PCC President at Pasig Diocesan Schools System (PaDSS) superintendent Fr. Daniel Estacio kasabay ng pagdiriwang sa 110th Founding Anniversary ng institusyon.

Ayon kay Fr. Estacio, mananatili ang PCC bilang epektibong kasangkapan ng Simbahan sa pagpapalaganap ng mabuting balita ng Panginoon, gayundin ang paghuhubog sa mga kabataan upang maging mabubuting kristiyanong tagasunod ni Kristo.

“The mission of Pasig Catholic College is evangelization. It is the right arm of the church in terms of evangelization sa mga kabataan—paghuhubog sa kanila. And we provide quality catholic education that combines academic excellence with moral and spiritual values in order for the person to become a person of character and competence,” pahayag ni Fr. Estacio sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, nagpapasalamat naman si Sacred Heart of Jesus Chapel, Rockwell Makati chaplain Fr. Rolando Garcia, Jr., dahil sa naging malaking tungkulin ng PCC sa paghuhubog sa kanyang pananampalataya tungo sa pagiging ganap na pari ni Kristo.

Si Fr. Garcia ay nagtapos ng elementarya sa PCC noong 1989 at dito rin unang tinanggap ang banal na pakikinabang.

“I am very grateful to this institution for inculcating in me strong faith in our Lord. Sapagkat dito sa PCC talaga, inalagaan ‘yung aming buhay-pananampalataya. Masasabi ko na dito ko unang nakilala si Hesus of course through our religious education,” pahayag ni Fr. Garcia.

Tagubilin naman ng pari sa mga mag-aaral ng PCC na isaisip at isapuso ang mga natutunan sa paglagi sa institusyon dahil ito’y mapapakinabangan sa pag-abot sa mga pangarap sa buhay, gayundin ang paghubog ng pananampalataya sa Panginoon.

“Don’t take for granted everything that PCC is offering to you with regards to your formation in faith. Sana bago kayo magtapos sa paaralang ito, talagang masasabi ninyo—kilala ko si Hesus, mahal ko Siya, at handa ko Siyang sundan,” saad ni Fr. Garcia.

Tema ng ika-110 anibersaryo ng pagkakatatag sa institusyon ang Synodos: Journeying Together as One in Faith, Hope, and Love.

Taong 1913 nang itatag ang PCC ng Congregation of the Immaculate Heart of Mary o CICM Missionaries sa pangunguna ni Fr. Pierre Cornelis de Brouwer, CICM.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 23,268 total views

 23,268 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 41,621 total views

 41,621 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Kabiguan sa kabataan

 91,951 total views

 91,951 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 121,888 total views

 121,888 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Bagong Energy Secretary Garin, binatikos

 17,021 total views

 17,021 total views Mariing kinondena ng mga makakalikasang grupo, faith-based organizations, at mga residente ng Quezon ang muling pagbibigay ng exemption sa coal moratorium para sa

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top