Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, dapat manindigan para sa ganap na demokrasya ngayong halalan

SHARE THE TRUTH

 169 total views

Nararapat na patuloy na manindigan ang mamamayang Filipino hanggang makamit ng sambayanan ang ganap na demokrasya sa bansa.

Ito ang hamon ni Rev. Father Xavier Alpasa, SJ – Executive Director ng Simbahang Lingkod ng Bayan at bahagi ng Task Force Eleksyon 2016 partikular na sa mga kabataan ngayong halalang pambansa.

Pagbabahagi ng pari, hindi nararapat na makuntento ang mamamayan sa hindi ganap na demokrasyang umiiral sa lipunan kung saan hindi naabot ng pag-unlad ang mahihirap at tangging ang may mga may kapangyarihan at mayayaman ang pinakikinggan.

“Ang hamon ko sa lahat hangga’t ang gobyerno natin ay hindi nagiging “of the people – by the people – for the people” ipapagpatuloy natin ang people power hanggang mapunta yung power sa mga people kasi ganun ang nararanasan natin ngayon, hindi ganap yung demokrasya ang pag-unlad ng Pilipinas ngayon hindi umaabot sa mga maralita ang kapangyarihan naka-concentrate ang talakayan doon sa mga tatakbo sa halalan, kaya hinahamon ko ang lahat na gawin natin ang lahat ng magagawa natin hanggat maisakatuparan natin yung ganap na demokrasya na kasama tayo sa usapan, kasama tayo sa polisiya, kasama tayong lahat sa pag-unlad…” Ang bahagi ng pahayag ni Rev. Fr. Alpasa, sa panayam sa Radio Veritas.

Batay sa Commission on Elections Resolution No. 10002, 18,083 posisyon ang bukas para sa panunungkulan at pamumuno ng mga bagong lider na maihahalal ngayong May 9 – National at Local Elections,

Sa pinakahuling tala ng Comelec, nasa 54.6 na milyon ang rehistradong botante sa eleksyon bukod pa sa 1.3 milyong Overseas absentee voters.

Kung saan ayon sa National Youth Commission 40-porsyento sa kabuuang bilang na ito ay kabataang edad 18 hanggang 30 na malaki ang papel sa nakatakdang 2016 National at Local Elections.

Magugunitang sa naganap na Encounter with the Youth sa UST, ni Pope Francis noong ika-18 ng Enero taong 2015 ay hinamon nito ang mga kabataan na mag-isip, makiramdam at kumilos upang tunay na makapagbahagi sa kapwa, partikular na sa mga nangangailangan at maging sa kapakanan ng buong bayan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 39,328 total views

 39,328 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 46,809 total views

 46,809 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 59,949 total views

 59,949 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 65,922 total views

 65,922 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 71,674 total views

 71,674 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Great Jubilee Year 2025, paghahandaan ng SLP

 68 total views

 68 total views Inihayag na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang tema ng nakatakdang National Laity Week na gugunitain sa huling linggo ng Setyembre, 2024. Sa pamamagitan ng isang liham paanyaya ay nanawagan ang pamunuan ng implementing arm ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity sa bawat layko na makibahagi

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

MAGPAS 2024, inilaan sa mga kabataan

 121 total views

 121 total views Inilaan ng Archdiocese of Manila sa mga kabataan ang Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa susunod na buwan ng Agosto 2024. Sa sirkular ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, inihayag ng Arsobispo ang paglalaan ng MAGPAS para sa mga kabataang Manileño bilang paghahanda sa nakatakdang Archdiocesan Youth Month sa Setyembre.

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, nanawagan sa mga mag-asawa na patatagin ang matrimony ng kasal

 6,275 total views

 6,275 total views Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga mag-asawa at pamilya na huwag sumuko sa isa’t isa at sa kanilang pangakong sinumpaan sa harapan ng Diyos at kanilang mga mahal sa buhay. Ito ang bahagi ng panawagan ni Cebu Auxiliary Bishop Midyphil Billones – CBCP Regional Representative for

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Peace talks sa komunistang grupo, panawagan ng CLPI kay Pangulong Marcos

 8,367 total views

 8,367 total views Nanawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Council of Leaders for Peace Initiative (CLPI) na isang grupo ng mga indibidwal na bigyang prayoridad ang pagkakaroon ng ganap na kapayapaan sa bansa. Ito ang panawagan ng grupo na kinabibilangan din ng ilang Obispo ng Simbahang Katolika sa ikatlong State of the Nation Address ni

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, hinimok na makiisa sa rosary fluvial procession para sa kapayapaan

 12,974 total views

 12,974 total views Nagpaabot ng pasasalamat si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa lahat ng tumugon at nakikibahagi sa 50-Day Rosary Campaign para sa kapayapaan sa inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Ayon sa dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, mahalaga ang pakikiisa ng bawat mananampalataya sa pananalangin ng kapayapaan at kaligtasan

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Panindigan na pag-aari ng Pilipinas ang WPS, hamon ng Obispo sa pamahalaan

 12,712 total views

 12,712 total views Nanindigan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi maaring balewalain ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hauge Netherlands na pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea noong June 12, 2016. Ito ang binigyan diin ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Office

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

MAPODE, umanib sa SCAD

 16,737 total views

 16,737 total views Lumahok sa Super Coalition Against Divorce (SCAD) ang prayer group ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance and Exorcism (MOPODE) bilang pakikiisa sa paninindigan ng Simbahan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Opisyal na inanunsyo ang pakikilahok at pagsali sa kowalisyon ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Matagumpay na pagpupulong ng CBCP, panalangin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

 17,569 total views

 17,569 total views Nagpaabot ng panalangin ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa 128th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagawa sa Mindanao. Ayon kay LAIKO Vice-President for Mindanao Atty. Proculo Sarmen, mahalagang ipanalangin ang paggabay ng Banal na Espiritu para sa mga Obispo na nagsisilbing pastol

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Lagman, binatikos ng SCAD

 17,791 total views

 17,791 total views Binigyang diin ng Super Coalition Against Divorce (SCAD) na ang paninindigan ng iba’t ibang mga faith-based groups laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas ay nakabatay sa katotohanan at hindi sa pagkukunwari o “religious hypocrisy”. Ito ang tugon ng grupo sa patutsada ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman sa paninindigan ng Couples

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

De Lima, kakasuhan ang mga nagpakulong sa kanya

 30,088 total views

 30,088 total views Inihayag ni dating Senador Leila De Lima ang planong pagsasampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng kanyang pagkakakulong sa loob ng nakalipas na pitong taon. Ito ang ibinahagi ni De Lima sa programang ‘Oras ng Bayan’ sa himpilan ng Radyo Veritas. Inihayag ng dating Senador ang paninirang puri, pagkasira ng reputasyon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

St. John the Baptist church sa Camalig Albay, idineklarang importany cultural property

 22,938 total views

 22,938 total views Opisyal na idineklara ng National Museum of the Philippines bilang isang Important Cultural Property ang St. John the Baptist Church sa Camalig, Albay na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Diyosesis ng Legazpi. Naganap ang paghahawi ng tabing sa panandang pangkasaysayan noong ika-24 ng Hunyo, 2024 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Suporta sa naiwang pamilya ng EJK victims, paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation

 22,010 total views

 22,010 total views Paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang suporta sa pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings sa marahas na implementasyon ng war on drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte. Sa ilalim ng Program Paghilom ay nagkakaloob ng iba’t ibang tulong at suporta ang organisasyon para sa naiwang asawa, magulang at anak ng mga

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Partisipasyon at paninindigan ng mga layko sa usaping panlipunan, paiigtingin

 25,466 total views

 25,466 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang lalong pagpapaigting sa kamalayan at aktibong partisipasyon ng layko sa mga usaping panlipunan sa bansa. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla sa mga nakahanay na gawain ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Ipagdasal ang mga opisyal ng pamahalaan at simbahan, panawagan ng military bishop sa mamamayan

 21,054 total views

 21,054 total views Hinimok ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mga opisyal ng pamahalaan at Simbahan upang maging mabuting lingkod at tagapaggabay sa bawat isa. Ito ang bahagi ng mensahe ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa paggunita ng ika-126 na

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, hinamon ang mga Pilipino na manindigan sa pananakop ng dayuhang bansa

 22,533 total views

 22,533 total views Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagiging katiwala ng bawat Pilipino sa kalayaang biyaya ng Panginoon sa bansa. Ito ang paalala ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo – chairman ng CBCP-Office on Stewardship sa pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa ika-12

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top