Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Philippines, tumulong sa 5,000 pamilyang evacuees ng kaguluhan sa Butig, Lanao Del Sur

SHARE THE TRUTH

 214 total views

Nakipag-ugnayan na ang Prelatura ng Marawi sa Caritas-Philippines para tulungan ang mga evacuees na biktima ng kaguluhan sa Butig, Lanao Del Sur.

Ayon kay Marawi Bishop Edwin Dela Peña, nagbigay kaagad ng cash donation ang Caritas Philippines bilang ‘expression of solidarity’ na rin sa mga biktima na ngayon ay nasa 5,000 pamilya.

“Nakipag-ugnayan na kami sa Nassa/Caritas Philippines para humingi ng tulong at ito rin ay parang expression of solidarity na rin, in fact pumasok na ang perang pinapadala nila para sa basic needs na kailangan ng tao. Tumutulong ang Simbahan Course through sa Caritas Philippines, and local NGO, we are always in coordination with them dahil sila ang nakakaalam ng sitwasyon, andiyan din ang DSWD sa pagbibigay ng relief goods, sila ang nasa front,” pahayag ni Bishop dela Peña sa panayam ng Radyo Veritas.

Sinabi ng obispo na karamihan sa mga dumadagsa sa Marawi ay nasa evacuation centers habang ang iba ay nakikitira sa kanilang mga kamag-anak.

Kaugnay nito, patuloy na humihingi ng panalangin ang obispo na makamit nawa ang pangmatagalang kapayapaan na matagal na nilang inaasam-asam sa Mindanao upang wala ng mamamayang lumilikas mula sa sarili nilang lugar.

“Nananalangin kami sa kalagayan sa aming luigar lalot higit sa mga lumikas sa sagupaan sa Lanao Del Sure sa Butig, sila ay lumilikas sa Marawi nangangailnag sila ng tulong kalinga ng ating kababayan, gabayan mo sila upang makabalik sila sa kanilang pinanggalingan at ibigay nyo sa amin ang matagal ng inaasam-asam na kapayaan na pangmatagalan.” Panalangin ni Bishop dela Peña.

Kahapon, inihayag ni Brig. Gen. Restituto Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines na nasa tatlong araw na ang kanilang clearing stage sa Butig, Lanao del Sur matapos ang tangkang pagkubkob ng mga rebeldeng Moro na pinamumunuan ng magkapatid na Abudullah at Omar Maute, mga dating miyembro ng Jemaah Islamiyah sa isang army detachment doon noong February 20, 2016.

Tinatayang nasa 5 sundalo ang nasawi sa labanan habang nasa 50 naman sa panig ng mga rebelde.

Sa record ng Philippine government, nasa mahigit 60,000 ang nasawi na sa kaguluhan sa Mindanao mula 1970’s hanggang 2007.

Una ng nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco na hindi ang isa pang karahasan na pag-aarmas ang tugon para makamit ang kapayapaan ng bawat komunidad kundi ang tahimik na dayalogo sa magkabilang panig.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 17,445 total views

 17,445 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 33,533 total views

 33,533 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 71,253 total views

 71,253 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 82,204 total views

 82,204 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 25,832 total views

 25,832 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 63,078 total views

 63,078 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 88,893 total views

 88,893 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 129,680 total views

 129,680 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top