Mamamayang Filipino, binalaan laban sa human trafficking

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,679 total reads

Nagbabala ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga Filipino na nais magtrabaho sa ibayong dagat.

Ayon kay CBCP migrant’s ministry vice-chairman Balanga Bishop Ruperto Santos, dapat maging matalino ang publiko laban sa mga mapagsamantala at makaiwas mula sa mga manloloko upang hindi maging biktima ng human trafficking.

Paalala ng obispo sa mga nais mangibang bayan para magtrabaho na huwag agad maniwala sa mga pangako ng mga employment agency.

Sa halip, dapat isangguni muna sa mga ahensya ng pamahalaan upang malaman kung lehitimo ang job order, kumpanya at bansang nag-aalok ng trabaho.

“Always check, always be clear. Pag may mga offer na too good to be true, remember it is human trafficking. Once you are trafficked, wala na kaming alam sa inyo. You’re just putting yourself to danger,” ayon kay Bishop Santos sa programang Pastoral visit on-the-air ng Radio Veritas.

Higit na kaduda-duda ang mga alok na trabaho kung ang kumpanyang ay nanghihingi ng mga paunang bayad.

Sinabi naman ng obispo na patuloy ang CBCP migrant’s ministry sa pagbibigay ng kaalaman sa mga Filipino laban sa mga illegal recruiter upang hindi maging biktima.

Ito ayon sa obispo ay sa pagiging pagtulungan na rin ng simbahan sa Department of Labor and Employment, Overseas Workers Welfare Administration at ng Couple’s for Christ.

Sa ulat, umaabot na sa 10-milyon ang bilang ng mga Filipinong biktima ng human trafficking kabilang na ang mga kabataang biktima ng sex trafficking at force labor.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 198,640 total reads

 198,640 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 226,518 total reads

 226,518 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 260,640 total reads

 260,640 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 317,044 total reads

 317,044 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top