Mananampalataya, binalaan ng CFC sa mga scammer

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,955 total reads

Nagbabala ang Couples for Christ (CFC) sa publiko laban sa mga indibidwal at grupong gumagamit ng pangalan, logo at pagkakakilanlan nito nang walang pahintulot, partikular sa social media at iba pang online platforms.

Sa isang public notice, sinabi ng CFC na ang paggamit ng kanilang pangalan at logo nang walang pahintulot ay malinaw na paglabag sa batas at maaaring makapanlinlang sa mga miyembro at sa publiko.

Ayon sa CFC, rehistradong trademark nito sa ilalim ng Republic Act No. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines ang kanilang pangalan at logo.

“The CFC logo and name are registered trademarks under Republic Act No. 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines) and cannot be used by any organization or individual without the prior written authorization of Couples for Christ,” ayon sa pahayag ng CFC.

Binigyang-diin din ng organisasyon na may mga grupong gumagamit ng pangalan at branding ng CFC na maaaring magdulot ng kalituhan kung sila ay opisyal na kaanib o nasa ilalim ng pangangasiwa ng Couples for Christ.

“The unauthorized use of the CFC logo and name is unlawful and has misled CFC members and the public into believing that the individuals and organizations administering the group are affiliated with Couples for Christ,” anila.

Muling iginiit ng CFC ang natatanging pagkakakilanlan nito bilang isang private international association of the faithful of pontifical right, at binanggit ang pagkilala ng dating Pontifical Council for the Laity sa opisyal na pangalan nito.

Ibinahagi ng CFC na noong April 3, 2008, kinilala ng Pontifical Council for the Laity, na ngayon ay Dicastery for Laity, Family and Life, na “Couples for Christ” ang opisyal na aprubadong pangalan ng asosasyon.

“The Pontifical Council for the Laity also expressly stated that the name ‘Couples for Christ’ cannot be used by any other association.”

Inatasan ng CFC ang mga walang pahintulot na gumagamit ng pangalan o logo nito na agad na itigil ang paggamit sa mga ito, kabilang ang paglalagay ng CFC branding sa social media pages, websites, promotional materials at merchandise, gayundin ang anumang pagpapahiwatig ng opisyal na ugnayan sa organisasyon.

Nagbabala rin ang CFC na maaari itong magsagawa ng kaukulang legal na hakbang laban sa mga magpapatuloy sa paggamit o paglabag sa kanilang pangalan at logo.

Kasabay nito, hinimok ng CFC ang mga miyembro, katuwang, at publiko na maging mapagbantay bago sumali, mag-follow, o makipag-ugnayan sa mga grupong nagpapakilalang “Couples for Christ” o “CFC.”

Hiniling ng CFC sa publiko na beripikahin muna ang pagiging lehitimo ng isang grupo o online page sa pamamagitan ng kanilang mga opisyal na digital channels bago makipag-ugnayan o magbahagi ng nilalaman nito.

Ang Couples for Christ (CFC) ay isang Catholic lay movement na itinatag sa Pilipinas noong 1981 upang palakasin ang buhay-mag-asawa at pamilya sa pananampalatayang Kristiyano.

Mula sa Pilipinas, lumawak ito sa iba’t ibang bansa at kinilala noong 2008 ng Pontifical Council for the Laity bilang isang private international association of the faithful of pontifical right.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 39,225 total reads

 39,225 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 33,267 total reads

 33,267 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 68,364 total reads

 68,364 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 170,187 total reads

 170,187 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 210,746 total reads

 210,746 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 229,961 total reads

 229,961 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top