Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, hinikayat ni Cardinal Advincula na maging mabuting lingkod ng simbahan at kapwa

SHARE THE TRUTH

 2,220 total views

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na isulong ang pag-iibayo, pagkakaisa at higit na pananampalataya kay Hesus bilang nagkakaisang simbahan.

Ginawa ito ni Cardinal Advincula sa idinaos na Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly o MAGPAS Traslacion Road Map sa Paco Catholic School sa Maynila.

Ayon kay Cardinal Advincula, alinsunod sa isinalik na tagalog ng Traslacion na salitang pag-ibayo , nawa ang bawat manananampalataya ay kumilos paibayo tungo sa kabutihan at higit na pagpapaunlad o pagsasaayos sa sarili upang maging mabuting mamamayan at taga-paglingkod ng simbahan.

“Paglingkuran natin at himukin na sumama ang mga taong gustong mag-isa, ang mga taong napag-iiwanan sa mabilis na takbo ng mundo, wala dapat sa atin ang nag-iisa,” ayon sa pagninilay ng Arsobispo.

Inaanyayahan naman ni Father Jason Laguerta – Direktor ng Office for the Promotion of the New Evangelization (OPNE) ng Roman Catholic Archdiocese of Manila (RCAM) ang bawat mananampalataya na makiisa sa mga gawain ng Synod on Synodality.

Ayon kay Fr.Laguerta ito ay sa pagpapatuloy ng MAGPAS Traslacion Road Map na programa ng Arkidiyosesis upang mapaigting ang pagkakaisa ng simbahan at mananampalataya tungo sa sama-samang paglalakbay ng sinodo.

Mensahe pa ng Pari ang pagpapatuloy ng RCAM sa pagtugon sa mga magiging pangangailangan o pagsubok na dapat tugunan sa hinaharap.

“Ang simbahan ay mas lalong magiging bukas sa pagtugon sa mga hamon ng panahon, pero mabibigyan mo lang ng tugon yung hamon ng panahon kung marunong kang makinig sa mga tao, sa isat-isa at lalo na pakikinig sa Espiritu Santo kaya ito yung tinutungo ngayon ng Archdiocese of Manila na tayo ay nag-aaral paano makinig, the art of listening to the Holy Spirit, kaya ang tawag natin sa proseso na ito ay ‘Conversation in the Spirit’ gusto natin matutunan paano makinig sa galaw at bulong ng Espiritu Santo,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Laguerta.

Sa ginanap na MAGPAS seminar ay nakipag-diyalogo si Father Laguerta sa mga mananampalataya mula sa ibat-ibang parokyang nasasakupan ng RCAM upang malaman ang mga paksa, pagkukulang o suliranin na dapat tugunan ng simbahan.

Itinakda naman ng OPNE sa September 02 ang susunod na pagtitipon ng mga nais dumalo sa MAGPAS kung saan isasagawa pa rin ang online registration sa mga nais dumalo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag gawing normal ang korapsyon

 16,934 total views

 16,934 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 124,707 total views

 124,707 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 148,491 total views

 148,491 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 160,654 total views

 160,654 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 345,849 total views

 345,849 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top