Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, inaanyayahan sa National Day of Consecration to St. Joseph sa labor day

SHARE THE TRUTH

 434 total views

Inaanyayahan ni Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang lahat ng mga mananampalataya sa diyosesis na aktibong makibahagi sa paggunita ng Simbahan sa Year of St. Joseph na idineklara ng Santo Papa Francisco ngayong taon.

Sa liham sirkular ay nanawagan sa buong diyosesis si Bishop Alminaza upang sama-samang makibahagi sa paghahanda para sa nakatakang National Day of Consecration to St. Joseph sa Mayo-uno.

Ayon sa Obispo, mahalaga ang partisipasyon ng lahat upang ganap na maging makabuluhan ang nakatakdang pagtatalaga ng bansa sa pangangalaga ni San Jose lalo na sa gitna ng patuloy na banta ng pandemya sa bawat isa.

Kabilang sa mga gawaing nakahanay para sa nakatakdang National Day of Consecration to St. Joseph ay ang Novena Masses sa karangalan ni San Jose mula sa ika-22 hanggang ika-30 ng Abril bilang paghahanda sa National Day of Consecration to Saint Joseph sa National Shrine of Saint Joseph sa Mandaue City, Cebu kasabay ng Kapistahan ni San Jose Manggagawa sa unang araw ng Mayo.

 

Hinikayat din ni Bishop Alminaza ang aktibong pakikibahagi ng bawat pamilya sa nakatakdang Consecration of the Families sa ika-8 ng Disyembre at ang isang buong taong higit na pagpapaigting ng pananampalataya at debosyon kay San Jose na mahalaga ang papel na ginampanan sa katuparan ng pangakong kaligtasan ng Panginoon sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagiging sandigan at tagapangalaga ng Mahal na Birheng Maria at ni Hesus na siyang tagapagligtas.

Nakasaad sa Liham Apostoliko ng Kanyang Kabanalan Francisco na may titulong “Patris Corde” ang deklarasyon ng Santo Papa Francisco sa pagdiriwang ng Year of Saint Joseph mula Disyembre 8, 2020 hanggang Disyembre 8, 2021 bilang paggunita na rin sa ika-150 anibersaryo ng pagkakadeklara kay San Jose bilang Patron ng buong Simbahang Katolika.

Attached: San Carlos Bishop Gerardo Alminaza Circular Letter

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 25,812 total views

 25,812 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 33,912 total views

 33,912 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 51,879 total views

 51,879 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 80,940 total views

 80,940 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 101,517 total views

 101,517 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 1,152 total views

 1,152 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 1,971 total views

 1,971 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 7,398 total views

 7,398 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top