Mayors for Good Governance, tugon sa krisis sa pamamahala sa bansa

SHARE THE TRUTH

 2,553 total views

Naniniwala si Jesuit anti-corruption crusader Fr. Albert Alejo, SJ na ang inisyatibo at adhikain ng bagong lungsad na Mayors for Good Governance (M4GG) ay isang tugon sa krisis ng pamumuno sa bansa.

Ayon sa Pari, kabilang sa krisis na kinahaharap ng bansa ang krisis sa pamumuno hindi lamang sa larangan ng politika at pamamahala kundi maging sa iba pang sektor sa lipunan.

Inihayag ni Fr. Alejo na napapanahon ang inisyatibo ng mga alkalde na nagsusulong ng laban sa katiwalian at kurapsyon sa pamahalaan upang magkaroon ng ganap na pagbabago sa paraan ng pamamahala sa bansa.

“Masayang masaya ako na mayroong mga ganitong pasisikap kasi nga yung buong bayan natin ang daming pinagdadaanan, tapos may krisis, aminin natin may krisis sa leadership sa lahat ng sektor pati sa Simbahan, so laging naghahanap tayo ng mga inisyatibo, mga indibidwal na nagsisikap magkaroon ng pagbabago talaga sa ating lipunan.” Ang bahagi ng pahayag ni Jesuit Priest Fr. Albert Alejo, SJ sa Radio Veritas.

Umaasa naman ang Pari na hindi lamang basta magpadami ng mga kasaping alkalde ang Mayors for Good Governance sa halip ay higit pang pagtibayin ng tunay na pagsasakatuparan ng misyon at adhikain nitong labanan ang paglaganap ng katiwalian at isulong ang maayos, matapat at marangal na pamamahala sa bansa.

Pangamba ni Fr. Alejo ang pakikibahagi at basta lamang pagpirma ng ibang alkalde sa manifesto upang makisawsaw sa adhikain ng inisyatibo.

Ayon sa Pari, naaangkop lamang ang tuwinang pagtalakay sa usapin at kalagayan ng pulitika sa bansa sapagkat ito ay isang etika na isinasakatuparan at ibinabahagi sa lipunan.
Ang Mayors for Good Governance (M4GG) ay isang cross-party network ng mga local chief executives na may iisang adhikain na maglingkod ng buong tapat sa kanilang tungkulin para sa kabutihan ng mamamayang Pilipino.

Sa kasalukuyan umaabot na sa mahigit 100 mga alkalde mula sa iba’t ibang mga lungsod sa Luzon, Visayas at Mindanao ang lumagda ng pakikiisa sa Mayors for Good Governance Manifesto.

Pinangungunahan ang Mayors for Good Governance (M4GG) nina Baguio City Mayor Benjamin “Benjie” Magalong, Isabela de Basilan Mayor Sitti Turabin Hataman, Dumaguete City Mayor Felipe Antonio “Ipe” Remollo, Kauswagan Mayor Rommel Arnado, at Quezon City Mayor Joy Belmonte na pawang magsisilbing convenor ng M4GG.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GAME OF CHANCE

 38,395 total views

 38,395 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 53,946 total views

 53,946 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 67,308 total views

 67,308 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 81,753 total views

 81,753 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 99,142 total views

 99,142 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mga layko, pinasasalamatan ng simbahan

 18,824 total views

 18,824 total views Ipinaabot ni Rev. Fr. Gregory Gaston – rector ng Pontificio Collegio Filippino ang pasasalamat ng Simbahan sa mga layko. Ayon sa Pari na

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top