Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga Aral mula sa Pandemya

SHARE THE TRUTH

 876 total views

Kapanalig, unti unti na tayong nakakabangon mula sa delubyong dulot ng COVID-19 pandemic. Ang ating mga naranasan dito ay dapat nating maging gabay para sa mga hinaharap na hamon. Ang pandemyang ito ay maari pang masundan ng ibang krisis. Kung hindi natin natatandaan at natutunan ng mga leksyon nito, magiging paulit-ulit na lamang ang ating pagkakamali.

Isa sa mga mahahalagang leksyon nito ay kahalagahan ng ayuda o social assistance, lalo na sa mga nawalan ng trabaho at pagkakakitaan dahil sa malawakang lockdown sa buong bansa.

Ayon sa isang pag-aaral ng World Bank, may mga ilang phases o yugto ang ating karanasan sa COVID-19 na nagpapakita ng disruptions o epekto sa trabaho at pinagkakakitaan ng mga Filipino, pati na rin ng uri ng ayuda at social protection mula sa pamahalaan. Sa bawat yugto na ito, may mga leksyon na makakatulong upang mas maayos pa ang pagbibigay social assistance sa mga mamamayan.

Ayon dito, mataas ang overall coverage ng social assistance sa bansa-96% ng mga kabahayan sa ating bansa ang nagsabi na sa unang anim na buwan ng 2020, nakatanggap sila social assistance gaya ng food aid. Umabot din ng 23 million ang beneficiaries ng social amelioration program.  Napakalaking bagay nito dahil ang unang anim na buwan ng 2020 ay crucial para sa maraming Filipino- ito ang panahon ng malawakang kawalan ng trabaho sa bansa.

Malaki man ang coverage, ayon sa pag-aaral, “modest” o katamtaman lamang ang overall impact ng social assistance sa bansa dahil  sa laki ng ng epekto at haba ng pandemya. May mga naging hamon din ang cash assistance delivery dahil na rin sa mga mobility restriction ng COVID-19, sa laki ng budget na kailangan, at sa talaan ng mga nararapat na beneficiaries. Ang mga hamon na ito, nairaos man ng pamahalaan, ay nag delay o nagpatagal ng ayuda sa maraming mga lugar, na todong nagpahirap naman sa ating mga mamamayan.

Ang karanasan na ito ay nagdala ng mga mahahalagang leksyon. Unang una, kailangan may maayos na tayo na polisiya at sistema sa pagbibigay ng ayuda bago pa man dumating ang ano mang sakuna. Tandaan natin kapanalig, tayo ay isang bansang  bulnerable hindi lamang sa mga epidemya, kundi sa mga natural na sakuna. Mula sa nasyonal hanggang sa lokal na lebel, dapat ay meron na tayong matibay na social assistance delivery system na mabilis na aaksyon pagdating ng anumang krisis. Doable ito, at nakita natin ito sa Office of the Vice President nitong pandemya.

Pangalawa, kailangan accurate ang ating targeting system. Ang listahan ng ating mga beneficiaries, kailangang updated. Kapag updated ang listahan, makikita natin na responsive ang LGUs – alam nila kung sino ang dapat unang tulungan. Kung maayos din ang targeting system, mas madaling makita kung ano at paano ang pinakamabilis na delivery system.

Kapanalig, sa ating pagbangon mula sa pandemya, magiging mas mabilis at maayos ang ating recovery kung ating isasapuso ang mga aral nito. Para sa darating na bagong administrasyon, malaking hamon ito, na sana ay bukas loob at tapang nitong harapin. Ang pag-akap sa responsibilidad na ito ay banal na tungkulin ng mga nasa pwesto ng kapangyarihan.  Paalala nga ng Rerum Novarum: Ang mga pinuno ay dapat sabik na pangalagaan ang komunidad at lahat ng miyembro nito, dahil ang pag-iingat nito ay responsibilidad ng nasa kapangyarihan. Ang kaligtasan ng bayan ay hindi lamang ang unang batas, ito ay ang buong dahilan ng pag-iral o existence ng isang pamahalaan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 10,450 total views

 10,450 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 24,410 total views

 24,410 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 41,562 total views

 41,562 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 91,992 total views

 91,992 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 107,912 total views

 107,912 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Witch hunt?

 10,451 total views

 10,451 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 24,411 total views

 24,411 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 41,563 total views

 41,563 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 91,993 total views

 91,993 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 107,913 total views

 107,913 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 126,461 total views

 126,461 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 120,576 total views

 120,576 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 101,167 total views

 101,167 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 101,894 total views

 101,894 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »
Scroll to Top