Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga critical na COVID 19 patient, hindi pa nabakunahan

SHARE THE TRUTH

 280 total views

Muling pinaalalahanan ng Philippine General Hospital Chaplaincy ang publiko na magpabakuna laban sa coronavirus disease.

Ayon kay Jesuit priest Fr. Marlito Ocon, ang head chaplain ng PGH, ito ang paraan upang makatulong sa lahat na maiwasan ang patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa lipunan.

Sang-ayon rin si Fr. Ocon sa sinabi ni PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario na ang karamihan sa mga dinadala sa ospital at mga kritikal nang pasyente ay mga hindi pa nababakuhan laban sa COVID-19.

“Hindi ito pananakot! This is to help everyone make sense of the data, what it means when we say: ‘Majority of Adult COVID-19 admissions and critical patients are unvaccinated, lahat ng intubated ay unvaccinated’ (from Dr. Jonas del Rosario facebook post),” pagbabahagi ni Fr. Ocon.

Babala naman ng pari na mas makabubuting magpabakuna sa halip na magkaroon nang malalang sintomas ng COVID-19 na maaaring mahantong sa pagkaka-ospital.

Gayundin sabi ni Fr. Ocon na ito’y tulong na rin ng bawat isa para sa mga health workers na nahihirapan at napapagod nang malunasan ang nakakahawa at nakamamatay na sakit.

“Para sa mga natatakot sa bakuna, pag-isipan ninyo, anong mas nakakatakot, ang magpabakuna o [madala sa Emergency Room?]. At parang awa nyo na rin sa mga health workers na napapagod na, MAGPABAKUNA NA KAYO!” saad ng pari.

Iginiit din ng pari na huwag paniwalaan ang mga kumakalat na maling impormasyon tungkol sa bakuna at COVID-19 at sa halip ay mas paniwalaan ang mga doktor na mas may kaalaman sa pagbibigay lunas sa pandemya.

“Huwag maniniwala sa mga haka-haka, bali-balita na walang katotohanan. Maniwala tayo sa ating mga dalubhasang Doctor,” giit ni Fr. Ocon.

Batay sa huling tala ng Department of Health, umabot sa 20,336 ang panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa at nasa 310 naman ang naitalang bagong bilang ng mga nasawi.

Samantala, naabot na rin ng bansa ang mahigit sa 40-milyong bilang ng mamamayang nakapagpabakuna laban sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, nasa higit 17-milyon na ang kumpleto na sa dose ng bakuna habang nasa 22-milyon naman ang nakatanggap pa lamang ng unang dose.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 14,084 total views

 14,084 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 30,173 total views

 30,173 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 67,907 total views

 67,907 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 78,858 total views

 78,858 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 22,973 total views

 22,973 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 22,974 total views

 22,974 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top