Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga hinalang sumusupil sa pagkakaisa

SHARE THE TRUTH

 317 total views

Mga Kapanalig, noong isang linggo panandaliang nahinto ang Maginhawa community pantry matapos i-red-tag ang organizer nito na si Ana Patricia Non. Maraming napukaw sa inisyatibong ito ni Non, at nagtayo rin ng community pantries sa kani-kanilang lugar. Bagamat hindi pangmatagalan, nakatulong ang community pantries na tugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga tao sa gitna ng pandemya at kakulangan ng ayuda mula sa pamahalaan.

Sa kabila ng magandang layunin ng mga community pantries, pinaghinalaan ni Lieutenant General Antonio Parlade, Jr., ang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (o NTF-ELCAC), ang biglang pagsulpot ng mga community pantries sa bansa. Ipinagtataka niya ang mabilis na pagdami ng mga ito. Inihalintulad pa ng heneral si Non kay Satanas na nagbigay daw ng mansanas kay Eba na siya namang simula ng pagkakasala ng tao. Gamit ang mga maling detalyeng ito mula sa kuwento ng paglikha, ipinahiwatig ng heneral na tila may masamang intensyon sa likod ng mga community pantries at mukhang organisado ang pagbubukas nito sa iba’t ibang lugar. Inamin din ng heneral na may profiling na ginagawa ang mga awtoridad sa mga nagtatayo ng community pantries; isang malinaw na paglabag ito sa right to privacy ng mga indibidwal. Kaugnay nito, naglabas ng pahayag at paalala ang National Privacy Commission sa Philippine National Police na igalang ang karapatang pantao at mga batas patungkol sa pagkalap ng mga personal na impormasyon.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Nakakuha naman ng suporta si General Parlade kay Communications Undersecretary Lorraine Badoy. Hinikayat ni Usec. Badoy ang mga nagbibigay ng donasyon para sa mga community pantries na alamin kung saan napupunta ang kanilang pera. Ipinagdiinan din niyang miyembro ng komunistang grupo si Non, bagay na mariing itinanggi ng dalaga. Para kay Non, nais lamang niyang makatulong sa simpleng paraan.

Hindi ikinatuwa ng marami, kabilang ang ilang senador at kongresista, ang red-tagging na ginawa nina Gen. Parlade at Usec. Badoy. Nais ng ilang mambabatas na ilipat ang pondo ng NTF-ELCAC sa Department of Social Welfare and Development at Department of Labor and Employment. Para sa kanila, mas mapakikinabangan pa ang 19.2 bilyong pisong pondo ng NTF-ELCAC sa pagtugon sa pangangailangan ng mga tao, kabilang ang mga matiyagang pumipila sa mga community pantries. Mayroon ding nagsasabing higit na kailangang i-audit ang task force sa kung paano nito ginagamit ang pondo nito dahil abalá ito sa pagpaparatang sa mga taong nais lamang tumulong. Abangan natin sa mga susunod ng linggo at buwan kung mapananagot ng mga senador at kongresista ang NTF-ELCAC sa ginagawa nitong red-tagging.

Itinataguyod ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang prinsipyo ng solidarity o pagkakaisa. Naniniwala tayong ang pagkakaisa ay hindi isang panandaliang pagkaramdam ng habag sa pagdurusa ng ating kapwa. Bagkus, isa itong matatag at matiyagang determinasyon upang kumilos para sa kabutihang panlahat o common good. Samakatuwid, ang pakikipagkaisa ay tungkulin ng bawat Kristiyano upang sama-samang makamit ang kaunlaran.

Kaya naman, walang lugar sa isang lipunang naniniwala sa katotohanan at katwiran ang mga walang basehang paratang laban sa mga taong kusang tumutulong at nagkakapit-bisig sa pagharap sa mga suliranin ng kanilang komunidad. Nakalulungkot na ang mga opsiyal ng pamahalaan, sa halip ay kumikilos upang mapabuti ang ating kalagayan, ang nangunguna sa pagpigil sa ating pagbabayanihan.

Mga Kapanalig, katulad ng paalala sa Galacia 3:28, “Kayong lahat ay iisa na dahil kayo’y nakay Kristo na.” Ang community pantries ay paanyaya sa ating mamuhay nang may pagkakaisa. Sa gitna ng krisis, kahirapan, at kagutuman, sino pa nga ba ang magdadamayan? Nawa’y huwag nating hayaang supilin ng mga walang batayang pagdududa ang pagkakaisa at pagdadamayan ng mga mamamayan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,508 total views

 70,508 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,503 total views

 102,503 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,295 total views

 147,295 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,267 total views

 170,267 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 185,665 total views

 185,665 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,277 total views

 9,277 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,509 total views

 70,509 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,504 total views

 102,504 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,296 total views

 147,296 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,268 total views

 170,268 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 185,666 total views

 185,666 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 135,595 total views

 135,595 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 146,019 total views

 146,019 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 156,658 total views

 156,658 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 93,197 total views

 93,197 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 91,487 total views

 91,487 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »
Scroll to Top