Nagtatanggol sa Simbahang Katolika, inaanyayahan sa CFD-NATCON 2023

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,814 total reads

Inaanyayahan ng Catholic Faith Defender ang mga kasapi na makiisa sa 46th Annual National Convention.

Ayon kay CFD National President Ryan Mejillano, ito ang pagkakataong magkaisa ang mananampalatayang nagtatanggol sa simbahang katolika.

“We pray that NATCON 2023 present an opportunity for all CFDs to demonstrate Christian unity and love,” bahagi ng pahayag ni Mejillano.

Aniya ang pagdalo sa pagtitipon ay pagpapatibay sa CFD Core Values na ‘ONE CFD’.

Isasagawa ang CFD NATCON 2023 sa June 10 hanggang 11 sa Naval Biliran kung saan bukas ito maging sa mga dating kasapi ng CFD.

Batid ng grupo ang mga kahinaan at kakulangan bilang tao subalit mahalagang isulong ang kapatirang nakaugat kay Kristo.

“Despite our failings, God is faithful and forgiving and continues to call us to unity. It is the will of God that His people, reconciled in the love of Christ through transforming power of the Holy Spirit, should live together in unity and peace,” pahayag ng grupo.

Batay sa kasaysayan 1938 nang simulan ni Fr. Undoy Reynes sa Cebu City ang pakikipagtalakayan at pagpapaliwanag sa doktrina ng simbahan sa mga indibidwal mula sa iba pananampalataya na kalaunan ay sinamahan ni Peter Cabaluna na may malalim at malawak na pag-aaral sa bibliya.

Lumipas ang mga taon nagpapatuloy ang mga pari at layko sa Cebu sa pagtatanggol sa pananampalatayang katoliko laban sa ibang mga relihiyong duda sa doktrina ng simbahan.

Sa kasalukuyan patuloy ang paninindigan ng CFD sa mga turo ng simbahan at ipinalalaganap sa buong pamayanan sa pagtutulungan ng mga pari at layko.

“It is our sincere prayer and plea that we, Catholic Faith Defenders of the Philippines, live with such love and unity in all things that it testifies to the World that we truly belong to Jesus,” giit ni Mejillano.

Ang CFD Philippines ay kasapi ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa ilalim ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 198,666 total reads

 198,666 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 226,544 total reads

 226,543 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 260,665 total reads

 260,665 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 317,069 total reads

 317,069 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top