Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 641 total views

Homiliya para sa Linggo ng Gaudete, Ikatlong Linggo ng Adbiyento Taon A, Ika-11 ng Disyembre 2022, Mat 11:2-11

Isa sa mga dinarasal ng pari kapag Misa, sa bahagi pagkatapos ng Ama Namin ay isang panalangin na nagpapahayag, para sa akin, ng pinaka-diwa ng ikatlong Linggo ng Adbiyento: ang GAUDETE. Ganito ang sinasabi ng panalangin:

“Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw–araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming PINANANABIKAN ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.” Ang lumang English translation nito ay “As we WAIT IN JOYFUL HOPE for the coming of our savior Jesus Christ.” Ang galing naman ng linggwahe natin, ano? Biro mo, tatlong salita “waiting in joyful hope”, ginawang iisang salita lang sa Tagalog: aming “PINANANABIKAN”.

Kaya ang title ng homiliyang ito para sa GAUDETE ay NANANABIK. Pasensya na po dahil alam ko na kung medyo kaedad ninyo ako, siguradong ang naaalala ninyo sa salitang ito ay ang maharot na kanta ni Didith Reyes na sumikat noong 1980s at pinamagatang NANANABIK:

“Nananabik… Puso ko sa iyo’y nananabik, hanggang kailan matitiis ang hapding dinaranas…. Nananabik…Giliw ko sa yong pagbabalik, wala nang halaga ang buhay kung wala ka na…

Sa piling ko ala-alang lumipas na… at ako ay alipin pa…ng pag-ibig mong kay tamis at kay sarap gunitain…

Nananabik….

Nananabik… Sa iyo…

Ang binabanggit niyang pananabik ay bunga ng alaala ng matamis at masarap na lumipas kapiling ang kanyang minamahal na katipan, at ng paghihintay niya sa kanyang pagbabalik. (Siguro nag-abroad at hinihintay niyang umuwi.)

Noong unang Linggo ng Adbiyento, nabanggit ko sa inyo na ang pagdating na pinaghahandaan natin sa adbiyento ay may tatlong panahon: kahapon, ngayon at bukas. Nabanggit ko rin na napakabilis lumundag ng bukas sa kahapon, lalo na kung hindi natin isinasabuhay at pinagyayaman ang ngayon. Kaya nasabi ko, “Ang pinakamahalagang pagdating na dapat paghandaan sa adbiyento ay HINDI KAHAPON O BUKAS kundi NGAYON.”

Parang ganito rin ang mensahe ni Hesus sa mga sugo ni Juan Bautista bilang sagot sa masakit na tanong sa kanya: “Ikaw na ba talaga ang hinihintay namin o hahanap na lang kami ng iba?” Sa madaling salita, “Tapatin mo na lang kami kung nagkamali kaming umasa sa iyo.” Palagay ko, may background ang masakit na tanong na ito ni Juan. At ito’y ang nakarating na intriga sa kanya tungkol kay Hesus habang siya’y nasa dilim ng bilangguan. Na ang ipinahayag niya na pinakahihintay na tagapagbago ng bayang Israel ay siya palang nagbago, nagbago ang ugali—nagumon sa kamunduhan, naging matakaw at lasinggero, nakikikain at nakikiinuman sa mga makasalanan.

Sa madaling salita ang mensahe ay “Kung totoo ang narinig kong balita tungkol sa iyo, wala nga kaming future sa iyo. Ang hinangaan pala namin noon at nagbigay pag-asa sa amin parang alaala na lang ng lumipas.”

Kaya may katarayan nang kaunti ang sagot ni Hesus. Sa tingin ko, hindi si Juan ang gusto niyang tarayan kundi ang mga intrigerong sugo na lumason sa isip ni Juan sa loob ng bilangguan tungkol sa mga ginagawa ni Hesus sa kasalukuyan sa ginagawa niyang pakikihalubilo sa mga “tupang ligaw”. Kaya sinabi niya, “Sabihin ninyo kay Juan ang NAKIKITA NINYO AT NARIRINIG: ang mga bulag nakakikita; ang mga lumpo ay nakalalakad; ang mga ketongin ay gumagaling; ang mga patay ay bumabangon na muli; at ang mga dukha ay nakaririnig ng mabuting balita.” Ibig sabihin, iyung totoong nangyayari, iyon lang ang ibalita kay Juan, hindi mga kuro-kuro ninyo o mga paunang hatol na lalong nagpapadilim sa kanyang masaklap na kalagayan. Kung ibig ninyong maranasan ang pananabik sa kasalukuyan, alisin ninyo ang mga sama ng loob, pag-aalinlangan at pagkabalisa na pumipigil sa inyo para makita kung paano gumagalaw ang kamay ng Diyos at upang marinig ang kanyang tinig sa mga nangyayari NGAYON MISMO.

Ang GAUDETE ay PAGSASA-NGAYON ng kahapon at bukas. Isang pananabik sa hinaharap dahil sa alaala ng nakaraan na nagpapabago sa kasalukuyan. Ang tawag dito ay PAG-ASA na nagbibigay liwanag sa dilim. Sabi ko nga noong Unang Linggo, ang Diyos ay nagpapakilala bilang WALANG HANGGANG NGAYON. Hangga’t mayroong NGAYON, pwede pang samantalahin ang mga dumarating na pagkakataon, pwede pang itama sa kasalukuyan ang mga pagkakamali ng nakaraan, pwede pang isantabi o talikuran ang mga pagsisisi at mga hinanakit, pwede pang piliin na maging masaya at magpasaya ng iba, pwede pang mabigyan ng bagong kabuluhan ang buhay, pwede pang namnamin ang bawat sandali, bago ito lumipas, bago sumapit ang katapusan. Hindi ba sapat na dahilan ang lahat ng ito upang MANABIK?

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 6,402 total views

 6,402 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 14,718 total views

 14,718 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 33,450 total views

 33,450 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 49,960 total views

 49,960 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 51,224 total views

 51,224 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

TEARS

 5,088 total views

 5,088 total views Homily for Mass for the Easter Octave Mass for the Eternal Repose of Pope Francis, Jn 20:11-18 It is the Octave of Easter.

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSALUBONG

 7,449 total views

 7,449 total views Homiliya para sa Paskong Pagkabuhay 2025, Juan 20:1-9 Kung may kakaiba o natatangi tungkol sa Pilipinong pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay, ito ay

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

EKSENANG KARUMAL-DUMAL

 19,423 total views

 19,423 total views Homiliya sa Biyernes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong hapon ng Biyernes Santo, tahimik tayong nagtitipon sa harap ng isang larawang karumal-dumal, ang imahen

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

KAIN NA

 8,310 total views

 8,310 total views Homiliya para sa Misa ng Huling Hapunan ng Panginoon Huwebes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong gabing ito, ipinagdiriwang natin ang tatlong malalalim na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

FULFILL YOUR MINISTRY

 7,420 total views

 7,420 total views Homily for Chrism Mass 2025 My dear brother priests and our beloved priestly people, magandang umaga po sa inyong lahat. Every year, on

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

KAPANATAGAN NG LOOB

 14,979 total views

 14,979 total views Homiliya para sa Linggo ng Palaspas, 13 Abril 2025, Lukas 22-23 Salamat sa Diyos at inalis na ang parusang kamatayan sa ating batas

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

“HUDYO” AT “ROMANO”

 3,154 total views

 3,154 total views Homiliya para sa Huwebes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 10 Abril 2025, Jn 8:51-59 Sa kadahilanang hindi sinasadya, alam n’yo ba na naging

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSAMBANG NAGPAPALAYA

 3,156 total views

 3,156 total views Homiliya para sa Miyerkules ng Ika-5 Linggo ng Kuwaresma 9 Abril 2025 | Dn 2:14–20, 91–92, 95; Jn 8:31–42 Sapat na sana para

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IPAMUKHA

 3,323 total views

 3,323 total views Homiliya para sa Martes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, Bilang 21:4-9; Juan 8:21-30 Mula sa krus, isa daw sa mga huling salita na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AT YUMUKO SIYA

 3,869 total views

 3,869 total views Homiliya para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, Ika-6 ng Abril 2025, Juan 8:1-11 Dalawang beses daw yumuko si Hesus. Una, nang iharap ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKIUSAP

 4,517 total views

 4,517 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Pang-Apat na Linggo ng Kuwaresma, 3 Abril 2025, Eksodo 32:7-14; Juan 5:31-37 Kung masakdal sa Korte ang isang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

THE FATHER WHO GOES OUT

 11,702 total views

 11,702 total views A Laetare Sunday Reflection on the Parable of the Prodigal Son (longer version)   Introduction: Rejoice, Return Home! Laetare Sunday – the Fourth

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AS YOURSELF

 6,410 total views

 6,410 total views Homily for Fri of the 3rd Wk of Lent, 28 Mar 2025, Mk 12:28-34 Love your neighbor AS YOURSELF. We often misread this

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

MATINIK

 10,163 total views

 10,163 total views Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 9 Marso 2025, Lk 4:1-13 Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top