4,367 total views
Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mamamayan sa kahalagahan ng buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa.
Ayon sa obispo, bawat oras ng paghinga nararapat na pahalagahan sapagkat ang pagkakasakit ay walang pinipiling estado ng buhay ng tao.
Ito ang pagninilay ng obispo makaraang maospital dahil sa karamdaman kung saan bukod tanging sa Diyos kumakapit sa pag-asa ng kagalingan.
“Sickness is an inevitable part of the human experience. No one is exempt—regardless of status, strength, or circumstance. Sickness has a way of stripping life down to its essence. Life is precious. When illness enters our lives—whether our own or someone we love—it sharpens our awareness of time,” ayon kay Bishop Santos.
Aniya, ang pagkakasakit ay paalala sa kahinaan ng bawat isa, lalo’t bukod sa pisikal, apektado rin ang emosyonal, mental, pinansyal, at maging ang espiritwal na aspeto ng tao.
Dagdag pa ni Bishop Santos, ang mga hamong kinakaharap ng tao tulad ng pagkakasakit ay hinahamon ang pagiging matibay at hangganan ng lakas, at sa pagitan ng pagkakasakit at paggaling ay mapagninilayan ang katotohanang napapabayaan ang sariling kalusugan at makikita ang buhay hindi lamang bilang isang bagay na taglay natin, kundi bilang isang bagay na dapat nating pahalagahan.
“Illness reminds us that resilience is not the absence of vulnerability—it is the courage to face it. Life is finite. There is no clearer reminder of mortality than sickness. Sickness is not only a reminder of mortality—it is also a call. A call that even in weakness, we find strength—not just in medicine or support systems, but in hope,” giit ng obispo.
Dalangin ni Bishop Santos na masumpungan ng bawat may karamdaman ang kagalingan at pag-asang dulot ng habag at awa ng Diyos na ipinamamalas sa sangkatauhan.
Samantala, ayon sa datos ng pamahalaan at ng World Health Organization, nangunguna pa rin ang ischemic heart disease sa mga nakamamatay na sakit sa mga Pilipino, habang napabilang naman sa mga karaniwang sakit sa bansa ang dengue, measles, pneumonia, tuberculosis, diabetes, cardiovascular disease, cancer, at HIV/AIDS.
Paalala ni Bishop Santos na sa panahon ng karamdaman, ito ay pagkakataong mas palalimin ang pananampalataya at pakikipag-ugnayan sa Diyos, sapagkat kadalasan itong nagtuturo sa tao sa kahalagahan ng buhay.
“Afflictions, though painful, can become a sacred space—a place where we encounter grace, grow in compassion, and deepen our faith. Sickness is never welcome, yet it is a profound teacher. It strips away illusion and reveals a simple truth: life is precious, fragile, and finite,” ani Bishop Santos.