No relocation, no demolition policy, dapat sundin

SHARE THE TRUTH

 377 total views

Angkop at nararapat na ipatupad ang “no relocation, no demolition policy” sa mga maralitang tagalungsod alinsunod sa Section 28 ng Republic Act 7279 o Urban Development and Housing Act of 1992.

Ikinatuwa ni SILAI o Sikap–Laya Incorporated lead convenor Rev. Fr. Pete Montallana sa binabalak na pagpapatupad ni President elect Rodrigo Duterte na “no relocation, no demolition policy,” sa mga maralitang taga–lungsod.

Ayon kay Fr. Montallana, magbibigay pag–asa at katarungan ito sa mga urban poor sa kapabayaan ng nakaraang administrasyon na pagbibigay kasiguruhan sa mga pabahay sa mga relocaties.

Iginiit pa ni Fr. Montallana na mapapanatag na ang mga maralitang taga – lunsod dahil kabawasan na sa kanilang alalahanin at problema kung tuluyang maipapatutupad ang naturang polisiya.

“Ako’y tuwang–tuwa na si Presidente Duterte ay ipapatupad ‘yung ‘no relocation, no demolition.’ Kasi ito talaga ay makataong pamamaraan at sikapin na dun sa relocation ay may paghahanap buhay ang tao. Kasi karamihan na na-relocate na bumabalik din sa dating lugar at hirap na hirap na nga ang mahirap na makakita na pakakain ay doble–doble pa ang hirap kapag sila ay dinemolish na wala naman talagang maayos na tutunguhan. So we add more suffering to people who are already suffering kaya natutuwa ako diyan sa balita na yan,” bahagi ng pahayag ni Fr. Montallana sa panayam ng Veritas Patrol.

Nasasaad sa RA 7279 Section 28, bago ipatupad ang eviction o demolition sa bisa ng isang court order, ihahanda ng National Housing Authority o NHA kasama ng local government units o LGUs sa loob ng 45 na araw ang relokasyon ng mga idi-demolish na maralitang tagalungsod.

Kapag hindi ito nagawa ng NHA at LGUs ay obligadong bigyan ng financial assistance o tulong pinansiyal base sa daily minimum wage ang mga apekatadong pamilya sa loob ng 60-araw.

Nauna na rito ay matagal ng nagsagawa ng ilang mga pagtitipon ang nasa 300 kinatawan ng mga maralitang taga–lungsod sa pangunguna ng SILAI at Radyo Veritas upang palakasin ang sektor ng mga urban poor sa kanilang karapatan na manirahan sa lungsod.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 36,513 total views

 36,513 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 78,727 total views

 78,727 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 94,278 total views

 94,278 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 107,410 total views

 107,410 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 121,822 total views

 121,822 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 11,374 total views

 11,374 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 52,935 total views

 52,935 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 78,750 total views

 78,750 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 121,018 total views

 121,018 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top