Pagtigil ng DOJ sa imbestigasyon ng Davao Death Squad, ikinalungkot ng CHR

SHARE THE TRUTH

 220 total views

Nalulungkot ang Commission on Human Rights (CHR) kaugnay ng pagtigil ng Department of Justice sa imbestigasyon ng Davao Death Squad (DDS).

Ayon kay CHR chairman Jose Luis Martin ‘Chito’ Gascon, pansamantalang sinuspinde ang imbestigasyon dahil sa nawala ang pangunahing testigo sa DDS at dahil dito, walang matibay na ebidensiya laban sa mga bumubuo ng grupo kabilang ang president-elect na si Rodrigo Duterte.

“Malungkot dahil may isang key witness na biglang naglaho, sa DOJ need kasi may sapat na ebidensiya para magsampa ng kaso at kailangan ng witness e kaya yun ang dahilan, suspended muna habang hindi nasesecure ang mga witnesses.” Pahayag ni Gascon sa panayam ng Radyo Veritas.

Gayunman, nangako ang CHR na gagawin nila ang kanilang tungkulin sa pagkalap ng mga ebidensiya at sila ay magbibigay ng rekomendasyon sakaling may paglabag sa karapatang pantao na nasasangkot hindi lamang sa kaso kundi sa iba pang usapin ng human rights.

“Kami sa CHR gagawin namin ang aming tungkulin, tutulong sa pagkalap ng ebidensiya at magbigay ng rekomendasyon pero sa sistema ng Constitution natin walang prosecution powers ang CHR recommendatory power lang.” pahayag pa ni Gascon

Ang Davao Death Squad o DDS, ay isang vigilante group sa Davao na responsible sa mga sinasabing summary executions ng mga hinihinalang sangkot sa pagnanakaw at bawal na gamot kung saan mula 1998 hanggang 2008 ay nasa 1,020 hanggang 1,040 ang pinaslang.

Mariing kinokondena ng Simbahang Katolika maging ng gobyerno ang sinasabing gawain lalo na at sinisentensiyahan ng kamatayan ang mga indibidwal na nagkasala na isang paglabag sa kanilang karapatan na mabuhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 9,709 total views

 9,709 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 24,353 total views

 24,353 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 38,655 total views

 38,655 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 55,416 total views

 55,416 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 101,784 total views

 101,784 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 35,152 total views

 35,152 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 112,333 total views

 112,333 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top