Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kidapawan massacre, may mananagot – CHR

SHARE THE TRUTH

 191 total views

Posibleng lumabas na sa loob ng ilang araw ang imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR) hinggil sa madugong dispersal sa mga magsasaka sa Kidapawan City North Cotabato noong Abril.

Ayon kay Commission on Human Rights Chairman Jose Luis Martin ‘Chito’ Gascon, kabilang sa resulta ng imbestigasyon ng fact-finding team ni Commissioner Gwen Pimentel-Gana ay ang una na nilang ipinalabas na hindi dapat gamitan ng armas ang insidente dahil ito ay crowd dispersal at hindi law enforcement na hinahabol ang mga kriminal.

Lalabas sa nasabing resulta ng imbestigasyon kung sino ang dapat managot sa insidente.

“Actually, nagkaroon ng report galing sa team, ‘yung fact-finding teams, kinalap na ng aming commissioner Gwen Gana-Pimentel isinubmit na niya sa en banc, baka sa loob ng ilang araw lalabas ang formal report, yung mga nasabi ko dati lalabas yun like yung meron kaming findings na di kailangan ng paggamit ng armas at baril dahil usapin ito ng crowd dispersal at hindi ito law enforcement na tinutugis ang mga kirminal, may ganung findings pera paglabas ng report, matutukoy yung ilang dapat mananagot o held accountable dito.” Pahayag ni Gascon sa panayam ng Radyo Veritas.

Matatandaang nag-protesta ang mga magsasaka sa Kidapawan sa pamamagitan ng barikada sa highways upang mapansin sila ng lokal na pamahalaan sa kanilang hinaing na suporta ng bigas sa kanilang pamilya dahil hindi sila nakapagtanim bunsod ng El Nino.

Subalit sa dispersal, gumamit ng armas ang mga pulis at 3 ang nasawi, mahigit 100 ang nasugatan at mahigit 80 ang ikulong na mga magsasaka.

Ang El Niño ang isa sa malalang epekto ng climate change dahil sa labis na tagtuyot nawalan ng kabuhayan ang mahihirap lalo na ang mga magsasaka kayat sa Laudato Si ni Pope Francis mariin itong nananawagan sa sambayanan ng pangangalaga sa kalikasan upang maiwasan ang malalang epekto ng pagbabago ng klima.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,143 total views

 34,143 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,273 total views

 45,273 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 70,634 total views

 70,634 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,022 total views

 81,022 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 101,873 total views

 101,873 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 5,714 total views

 5,714 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 60,710 total views

 60,710 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 86,525 total views

 86,525 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 127,681 total views

 127,681 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top