Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

No relocation, no demolition policy, dapat sundin

SHARE THE TRUTH

 338 total views

Angkop at nararapat na ipatupad ang “no relocation, no demolition policy” sa mga maralitang tagalungsod alinsunod sa Section 28 ng Republic Act 7279 o Urban Development and Housing Act of 1992.

Ikinatuwa ni SILAI o Sikap–Laya Incorporated lead convenor Rev. Fr. Pete Montallana sa binabalak na pagpapatupad ni President elect Rodrigo Duterte na “no relocation, no demolition policy,” sa mga maralitang taga–lungsod.

Ayon kay Fr. Montallana, magbibigay pag–asa at katarungan ito sa mga urban poor sa kapabayaan ng nakaraang administrasyon na pagbibigay kasiguruhan sa mga pabahay sa mga relocaties.

Iginiit pa ni Fr. Montallana na mapapanatag na ang mga maralitang taga – lunsod dahil kabawasan na sa kanilang alalahanin at problema kung tuluyang maipapatutupad ang naturang polisiya.

“Ako’y tuwang–tuwa na si Presidente Duterte ay ipapatupad ‘yung ‘no relocation, no demolition.’ Kasi ito talaga ay makataong pamamaraan at sikapin na dun sa relocation ay may paghahanap buhay ang tao. Kasi karamihan na na-relocate na bumabalik din sa dating lugar at hirap na hirap na nga ang mahirap na makakita na pakakain ay doble–doble pa ang hirap kapag sila ay dinemolish na wala naman talagang maayos na tutunguhan. So we add more suffering to people who are already suffering kaya natutuwa ako diyan sa balita na yan,” bahagi ng pahayag ni Fr. Montallana sa panayam ng Veritas Patrol.

Nasasaad sa RA 7279 Section 28, bago ipatupad ang eviction o demolition sa bisa ng isang court order, ihahanda ng National Housing Authority o NHA kasama ng local government units o LGUs sa loob ng 45 na araw ang relokasyon ng mga idi-demolish na maralitang tagalungsod.

Kapag hindi ito nagawa ng NHA at LGUs ay obligadong bigyan ng financial assistance o tulong pinansiyal base sa daily minimum wage ang mga apekatadong pamilya sa loob ng 60-araw.

Nauna na rito ay matagal ng nagsagawa ng ilang mga pagtitipon ang nasa 300 kinatawan ng mga maralitang taga–lungsod sa pangunguna ng SILAI at Radyo Veritas upang palakasin ang sektor ng mga urban poor sa kanilang karapatan na manirahan sa lungsod.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,381 total views

 69,381 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 77,156 total views

 77,156 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,336 total views

 85,336 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 100,948 total views

 100,948 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 104,891 total views

 104,891 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 14,264 total views

 14,264 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 97,777 total views

 97,777 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 89,552 total views

 89,552 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top