Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Oil spill sa Mindoro, kinundena ng VIP

SHARE THE TRUTH

 1,905 total views

Mariing kinokondena ng Protect Verde Island Passage (VIP) ang nangyaring oil spill sa baybayin ng Oriental Mindoro na patuloy na pumipinsala sa mga likas na yaman ng karagatan at hanapbuhay ng mga residente.

Ayon kay Protect VIP lead convenor Fr. Edwin Gariguez, lubha nang nakababahala ang pagtagas ng langis mula sa MT Princess Empress dahil nakakaapekto na ito sa kabuhayan ng mga mangingisda, kalusugan ng mga apektadong komunidad, at maging sa turismo.

“We thus join local residents in lamenting what would be a prolonged suffering of the local fishing industry… as impacts of the oil spill are expected to be felt for years to come. The tourism sector is also faced with severe disruption. The injustice suffered by communities from this terrible incident is further amplified by health impacts they are likely to experience,” pahayag ni Fr. Gariguez.

Batay sa huling ulat, 18,000 mangingisda ng Oriental Mindoro ang lubhang apektado ng oil spill, gayundin ang 50 porsyento ng mga residente na dumaranas na ng kagutuman at kakulangan sa pagkain.

Kasalukuyang nasa state of calamity ang siyam na bayan at isang lungsod ng Oriental Mindoro, gayundin ang isang bayan sa Antique dahil sa epekto ng sakuna.

Nananawagan naman si Fr. Gariguez, na siya ring Social Action Director ng Apostolic Vicariate ng Calapan, sa pamahalaan na kumilos upang agarang matugunan ang pagtagas ng langis, at isaalang-alang ang kalagayan ng mga apektadong pamayanan.

“We call on the Philippine government for most urgent action to contain the spill, assess the severity of damage, and prioritize the welfare of impacted communities who must receive livelihood support and protection from health impacts,” ayon kay Fr. Gariguez.

Hinamon din ng pari ang RDC Reield Marines Services na nagmamay-ari ng tumaob na motor tanker na panagutan ang nangyaring sakuna.

Matagal nang isinusulong ng simbahan ang Protect VIP campaign upang mapangalagaan ang Verde Island Passage mula sa mga proyekto tulad ng planong pagtatayo ng fossil fuel powerplants at liquified natural gas terminal.

Ang VIP ang tinaguriang “Center of the Center of Marine Shorefish Biodiversity” dahil dito matatagpuan ang nasa halos 60-porsyento ng iba’t ibang marine species sa buong mundo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 27,056 total views

 27,056 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 35,724 total views

 35,724 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 43,904 total views

 43,904 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 39,611 total views

 39,611 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 51,661 total views

 51,661 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 10,097 total views

 10,097 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 11,370 total views

 11,370 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 16,783 total views

 16,783 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top