Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Organic vegetable, isinusulong ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan

SHARE THE TRUTH

 2,242 total views

Isinusulong ng Apostolic Vicariate ng Taytay, Palawan ang organic vegetable production upang makatulong sa hanapbuhay ng mga magsasaka at mapigilan ang lumalalang epekto ng climate change.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, nagsagawa ang apostoliko bikaryato ng libreng pagsasanay upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga magsasaka at ibang mamamayan tungkol sa benepisyo ng organic farming.

Sinabi ni Bishop Pabillo na makabubuti ito sa kalusugan dahil ang nilalayon ng organic technology na maiwasan ang paggamit ng mga abono at iba pang kemikal na bukod sa magastos ay mapanganib rin sa kalusugan.

“Tinuturuan namin ang mga tao kung paano po lumipat sa organic for the reason of health, mas maganda ‘yung organic sa health. At for the reason of economy na hindi masyadong gagastos para sa mga chemical pesticides at chemical fertilizers. Pwede namang mabuhay by means of organic kaya tinutulungan namin sila kung paano gamitin ang organic technology,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Ang organic vegetable production ay kabilang sa mga programa ng AVT-Social Action Center Justice, Peace, and Development, Inc. sa pamamagitan ng Diversified Integrated Organic Farm and Training Center.

Pagbabahagi ni Bishop Pabillo na ang programa ng apostoliko bikaryato ay suportado rin ng Diocese of Cubao na nagbigay ng puhunan upang makapagpatayo ng mga pasilidad para sa farm school at makapagsimula ng organic farming sa iba pang saklaw na parokya.

“Nagpapasalamat kami sa Diocese of Cubao para sa kanilang binigay na tulong, at ito ay gagamitin namin para ipakita at ibahagi sa mga tao ang benepisyo ng organic vegetable production sa kabuhayan, kalusugan, at kalikasan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Ang Pilipinas ay isang ‘agricultural country’ na mayroong 30 milyong ektaryang lupain kung saan 47 porsyento nito ay nakalaan para sa sektor ng agrikultura.

Taong 2005 nang simulang kilalanin sa bansa ang kahalagahan ng organic farming sa pamamagitan ng Republic Act 10068 o Promotion and Development of Organic Agriculture in the Philippines, at sinundan naman ito ng pagpasa sa Organic Agriculture Act of 2008 na mas nagsulong sa organic agriculture sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 25,651 total views

 25,651 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 34,319 total views

 34,319 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 42,499 total views

 42,499 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 38,232 total views

 38,232 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 50,282 total views

 50,282 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 10,010 total views

 10,010 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 11,283 total views

 11,283 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 16,696 total views

 16,696 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top