Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pabasa ng Pasyon, nasa digital flatform na

SHARE THE TRUTH

 2,575 total views

Inilunsad ng Hallow ang makasaysayang tradisyon ng mga Pilipino na Pabasa ng Pasyon sa digital platform bilang bahagi ng kampanyang Pray40: The Return.

Sa loob ng maraming siglo bahagi na ng kaugalian ng mga Pilipino tuwing Kuwaresma ang sama-samang pag-awit ng Pasyon sa mga tahanan at kapilya.

Ngayong taon, lingguhan itong itatampok sa digital format sa pangunguna ng Vox Animae Choir, kalakip ang pagbasa ng Banal na Kasulatan, gabay na panalangin, at pagninilay na pangungunahan ni Fr. Franz Dizon.

Ayon kay Fr. Dizon ng Diocese of Malolos na isa sa mga paring nagninilay sa Hallow, mahalagang mapanatili ang diwa ng tradisyon habang inaabot ang mas maraming mananampalataya sa makabagong paraan.

“Para sa ating mga Pilipino, hindi kumpleto ang Kuwaresma kung wala ang Pabasa. Isang biyaya na ngayon ay mas nagiging accessible ito sa pamamagitan ng panalangin at pagninilay sa digital space, nang hindi nawawala ang lalim ng ating tradisyon,” ayon kay Fr. Dizon.

Layunin ng digital Pabasa na mapanatili ang banal at taimtim na pag-awit ng Pasyon habang ginagawa itong mas madaling maabot ng mga Pilipino saan man naroroon, sa tahanan, sa trabaho, o maging sa biyahe na ginagawang kasangkapan ng debosyon ang mga mobile device.

Bahagi ang inisyatibang ito ng Pray40: The Return, isang pandaigdigang paglalakbay panalangin ngayong Kuwaresma sa Hallow app na may mahigit 30 milyong users sa buong mundo, kabilang ang higit sa dalawang milyon sa Pilipinas.

Tampok din sa mas malawak na programa ang ilang kilalang personalidad tulad nina Fr. Fiel Pareja, Jonathan Roumie, Mark Wahlberg, at Chris Pratt.

Binibigyang-diin ng lingguhang digital Pabasa ang natatanging pamana ng debosyong Pilipino.

Ayon naman kay Bernz Caasi, Philippines Team Lead ng Hallow at isang Catholic revert, mahalaga ang paggamit ng teknolohiya upang maipasa ang pananampalataya sa susunod na henerasyon.

“As a millennial who lives and works closely with Gen Z friends, I believe that creating this digital experience of the Pabasa is key to unpacking the richness of this tradition for a new generation while preserving our precious culture as Filipinos,” ani Caasi.

Sa pagsasama ng sagradong musika, teolohikal na pagninilay, at meditations, inaasahang magsisilbing tulay ang digital Pabasa sa pagitan ng tradisyon at teknolohiya upang patuloy na manatiling buhay at makabuluhan sa puso ng kabataang Pilipino ang isa sa pinakamamahal na debosyon tuwing panahon ng Kuwaresma.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang edukasyon ay hindi eksperimento

 47,043 total views

 47,043 total views Mga Kapanalig, may mungkahi ang Department of Education (o DepEd) na gawing trimester ang school year 2026-2027 mula sa nakagawiang apat na quarters. 

Read More »

Sa malao’t madali

 64,042 total views

 64,042 total views Mga Kapanalig, susunod kaya sa The Hague ang mga pinakamasunuring tauhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte? Pinangalanan ng International Criminal Court (o ICC)

Read More »

COMPROMISED SYSTEM OF JUSTICE

 91,024 total views

 91,024 total views Only in the Philippines! Sa ating bansa, madalas na nako-kompromiso ang hustisya. Sa Ehekutibo, sa Kongreso at Hudikatura normal na ang “compromised justice

Read More »

Ang hamon ng Kuwaresma at Ramadan

 245,501 total views

 245,501 total views Mga Kapanalig, sa pambihirang pagkakataon, sabay na inuumpisahan ng mga Katoliko at Muslim ang mahahalagang panahon sa kanilang buhay-pananampalataya.  Sa araw na ito,

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

Pabasa ng Pasyon, nasa digital platform na

 2,511 total views

 2,511 total views Inilunsad ng Hallow ang makasaysayang tradisyon ng mga Pilipino na Pabasa ng Pasyon sa digital platform bilang bahagi ng kampanyang Pray40: The Return.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pabasa ng Pasyon, nasa digital flatform na

 2,586 total views

 2,586 total views Inilunsad ng Hallow ang makasaysayang tradisyon ng mga Pilipino na Pabasa ng Pasyon sa digital platform bilang bahagi ng kampanyang Pray40: The Return.

Read More »

RELATED ARTICLES