Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pag-asa sa harap ng climate change

SHARE THE TRUTH

 410 total views

Mga Kapanalig, may mahalagang pagtitipon ng mga bansa kamakailan na nagbunga ng isang mahalagang kasunduan. Ito ay ang Conference of Parties 27 (o COP 27) ng United Nations Climate Change Conference. Sa pagtatapos ng COP 27 noong isang linggo, nagkasundo ang mga bansang naroon na lumikha ng isang pondo upang tulungan ang mga bansang higit na naaapektuhan ng mga pinsalang dala ng climate change.  Lumalabas nga sa mga pag-aaral na 70% ng mga taong pinakaapektado ng climate change ay nasa Timog Silangang Asya, at kasama rito ang Pilipinas.

Ang kasunduang lumikha ng tinatawag na loss and damage fund ay matagal nang itinutulak ngunit ngayon lamang napagdesisyunang ituloy. Nangako rin ang mga mayayamang bansang pinakaresponsable sa mga carbon emissions, na siyang sanhi ng pag-init ng daigdig, na dagdagan ang kanilang mga ginagawa upang lumipat sa tinatawag na low-carbon economy.  Ang mga hakbang na ito ay tila pagtalima sa itinuturo ng ating Simbahan, partikular sa Laudato Si’, na ang klima ay nasa pangangalaga ng lahat.

Sa kabila ng mga ganitong positibong hakbang upang mabawasan ang pinsala sa ating planeta at protektahan ang pinakamahihina at mahihirap na mga bansa, marami pa rin ang hindi kumbinsidong tutuparin ng mayayamang bansa ang kanilang mga ipinangako. Noon pa raw dapat ginawa ang mga hakbang na ito dahil ngayon ay mas mahirap nang pigilan ang pag-init ng mundo. Maging si UN Secretary-General Antonio Guterres ay nagsabing ang ating mundo ay mistulang bumibiyahe sa “highway to climate hell” ngunit lalo pa nitong binibilisan ang takbo ng sasakyan nito.

Sa isang banda, may pangamba at kawalan ng tiwala sa kakayahan ng mga bansang gawin ang dapat sana nilang gawin upang mabawasan ang mga panganib na dala ng climate change. Sa kabila naman, may nabuksang pag-asa sa kahandaan at pangako ng mga bansang may gawin upang tulungan ang mga bansang mahihina at patuloy na nasasalanta ng climate change.  Alin kaya ang ating pipiliin?

Nagsimula na ang panahon ng Adbiyento sa kalendaryo ng ating liturhiya. Sa ating pananampalatayang Katoliko, ikinakabit natin ang Adbiyento sa paghihintay, sa pag-antabay na may pag-asa sa pagsasakatawang-tao ng ating Panginoong Hesus upang makiisa sa ating buhay sa mundong ito. Tuwing Adbiyento, ginugunita at isinasabuhay natin ang pag-asang dala ng Kanyang pagsilang sa ating mundo upang isakatuparan ang pagliligtas Niya sa atin mula sa kasalanang nagdudulot ng paghihirap sa ating buhay.

Hindi nga ba’t ang mga pinsalang dala ng climate change ay bunga ng kasalanan ng tao? Ang walang habas na pagsira sa kalikasan upang magkamal ng yaman ang iilan ay ang ugat ng paghihirap ng nakararami ngayon. Hindi rin kaya maaaring maganap ang patuloy na pagliligtas sa atin ni Hesus mula sa kapahamakang dulot ng pagsasalaula ng kapaligiran sa pamamagitan ng mga taong may mabuting kalooban? May puwang ba sa ating mga puso ang pag-asa sa patuloy na pagkilos ni Hesus sa kasaysayan sa pamamagitan ng mga taong may mabuting kalooban?

Kaya ba nating manalig sa sinasabi ng Ebanghelyo ni San Juan na “sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan”? May sapat kayang sumasampalataya sa Kanya sa mga bansang nangakong gawin ang mga nararapat upang bawasan ang pagsira sa ating mundo at tulungan ang mga nasasalanta ng climate change?

Mga Kapanalig, may kasabihan tayong ang pagkapit sa pag-asa ay isang desisyon. Ito ay isang desisyong magtiwalang magwawagi ang kabutihan sa kasamaan. Nawa’y ang Adbiyento ay maging panahon ng pagsasabuhay ng tiwalang ito at ng pag-asa sa kabutihan ng tao para ibsan ang pagtangis ng ating nag-iisang tahanan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,473 total views

 69,473 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 77,248 total views

 77,248 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,428 total views

 85,428 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 101,040 total views

 101,040 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 104,983 total views

 104,983 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,474 total views

 69,474 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 77,249 total views

 77,249 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,429 total views

 85,429 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 101,041 total views

 101,041 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 104,984 total views

 104,984 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 59,426 total views

 59,426 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 73,597 total views

 73,597 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 77,386 total views

 77,386 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 84,275 total views

 84,275 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 88,691 total views

 88,691 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 98,690 total views

 98,690 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 105,627 total views

 105,627 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 114,867 total views

 114,867 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 148,315 total views

 148,315 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 99,186 total views

 99,186 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top