Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbangon, katatagan, pagdadamayan ng mga biktima ng lindol, ipinagdarasal ng mga Obispo

SHARE THE TRUTH

 541 total views

Ito ang panalangin ng mga lider ng Simbahan sa trahedyang dinaranas ng mga taga-Surigao matapos tumama ang 6.7 magnitude na lindol at patuloy na nararanasang aftershocks sa lalawigan.

Ipinagdarasal ni CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos na manahan sa lahat ang kapayapaan, pagtutulungan at katatagan ng loob ng mga naapektuhan ng lindol.

“Makapangyarihang Diyos, aming butihin Ama. Kami po ay lumalapit at nanalangin, gawin po ninyong mapayapa na ang aming kalikasan. Patigilin na po ninyo ang pagyanig ng lupa. Manahan na sa amin ang kapayapaan at kaayusan. Mangyari nawa sa amin ang kapatagan ng kalooban at pagdadamayan.

Sa aming mga kapatid sa Surigao, magtutulungan kami upang sila ay makabangon. Sasamahan namin sa panalangin at pagbibigayan upang sila ay maging matatag sa pananampalataya at patuloy na magtiwala sa inyong kabutihan at kalooban. Amen.” panalangin ni Bishop Santos.

Hiniling naman ni Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez sa panginoon na iligtas sa anumang kapahamakan ang mga Surigaonons.

“Panginoon, Ama namin sa langit, kami po ay nagimbal nitong nangyari sa mga kababayan namin sa Iyong mga anak sa Surigao sa lindol na naganap, tinataas namin sila sayo, iligtas mo po sila sa anumang kapahamakan at nawa itong naganap ay maging isang pangyayari na magpapagising sa kanila na may mga nagaganap na hindi namin kayang kontrolin. Ito nawa ay maging pagkakataon upang sariwain nila ang kanilang pananalaig sa Iyong kabutihan, sa Iyong kapangyarihan, sa Iyong pagmamahal. Kaya Panginoon iyon pong mga nasawi ay Iyong tanggapin sa Iyong kaharian at yaong may mga kapansanan dahilan sa naganap ay iyong patnubayan at nang makabawi, at yung lahat ng mga kapatid naming naapektuhan iligtas Niyo po sila sa anumang mga damdamin na maaaring makakasira sa kanilang kalooban at sa kanilang buhay. Sa Iyong mga mapagpalang kamay pinagkakatiwala namin sila at lahat ng mga kababayan naming nakakaalam ng pangyayaring ito, idulot Mong isang pagkakataon ito upang sariwain ang pananalig sa iIo na aming Ama na hindi nagpapabaya sa amin, sa Iyo Ama, silang lahat ay aming itinatagubilin, pagpalain Mo sila ipadama Mo sa kanila ang Iyong pagmamahal, Amen.”bahagi ng dasal ni Bishop Iniguez.

Nauna rito, ipinagpasalamat ni Surigao Bishop Antonito Cabajog sa Panginoon ang pagliligtas sa maraming buhay sa pagtama ng malakas na lindol.

Read: http://www.veritas846.ph/obispo-ng-surigao-nagpaabot-ng-panalangin-sa-mga-biktima-ng-lindol/

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 19,005 total views

 19,005 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 38,690 total views

 38,690 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 76,633 total views

 76,633 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 94,787 total views

 94,787 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 88,137 total views

 88,137 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 113,951 total views

 113,951 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 148,318 total views

 148,318 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567