Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbubuhat at Pagbabanat

SHARE THE TRUTH

 322 total views

Kapanalig, mabilis ang kaunlaran ng urban landscape sa ating bansa. Kung dati rati, Makati lamang ang tinitingalang business district sa ating bansa, ngayon marami ng syudad, lalo na sa Metro Manila, ang nagtataguyod ng kanilang business zones. Isa sa senyales nito ang pagtatayo ng mga higanteng gusali o skyscrapers.

Sa likod ng mga pagbabagong ito ay isang bahagi ng impormal na sektor na nagbubuhat at nagbababanat para sa kabuhayan ng kanilang pamilya. Ito ay ang mga construction workers, na sa halip na purihin dahil sa kanilang tahimik na pagsuporta sa pag-unlad ng bayan, ay kadalasan pang kinukutya at inaalipusta.

Base sa opisyal na datos, noong 2014 ang construction sector ay nakapag-ambag ng Php 414 billion sa ekonomiya ng bansa. Ang mabilis na paglaki ng sektor na ito ay nakapagbigay ng trabaho para sa marami. Tinatayang nasa 2.45 million ang bilang ng mga construction workers sa ngayon. Marami sa kanila, kahit pa umuunlad ang construction industry, ay mahirap pa rin. Marami sa kanila, gutom pa rin. Marami sa kanila, nasa laylayan pa rin ng lipunan.

Marami pa rin kasing isyung kinahaharap ang mga construction workers. Ayon sa Association of Construction and Informal Workers, marami sa kanila ang nakakaranas ng mababang pasahod at irregular na employment. Marami sa mga construction workers ay inemployo lamang ng ma subcontractors, at contractualization lamang ang kanilang nararanasan, hindi regular na employment. Kasabay ng contractualization ay mababang pasahod, kaya ang mag-ipon para sa panahong walang trabaho ay mahirap gawin.

Ang working conditions din ng mga construction workers ay puno ng peligro at accident prone. Ngunit sa harap nito, kulang pa rin sa social protection ang mga marami sa kanila.

Kaya’t ang natural na resulta ng maliit na sweldo, irregular na trabaho at kawalan ng social protection ay pangit na kalidad ng buhay. Karamihan sa mga construction workers ay informal settlers, mahirap, at tali ang kamay sa trabahong mapeligro at walang kasiguruhan.

Kaya nga’t ironic o kabaligtaran ang nangyayari sa construction workers sa ating bansa ngayon. Sa halip na mas umunlad ang kanilang buhay kasabay ng pag-unlad ng construction industry, mas ramdam pa nila ang kahirapan. Ang kanilang buhay ay isang mahabang kwento ng pagbabanat buto na lamang. Kailan kaya darating sa kanila ang kaunlarang kanilang hinahanap-hanap?

Kapanalig, ang Panlipunang Turo ng Simbahan ay maraming mga gabay at pangaral ukol sa sitwasyon ng manggagawa. Ayon nga kay Pope Benedict XVI noon sa Sacramentum Caritatis, “Work is of fundamental importance to the fulfillment of the human being and to the development of society. Thus, it must always be organized and carried out with full respect for human dignity and must always serve the common good.” Ang pahayag na ito ay mahusay na pamantayan sa sektor ng construction workers. Hindi lamang kaunlaran ng lipunan ang layunin ng trabaho, kundi kaganapan din ng ating pagkatao. Ang sitwasyon ba ng construction workers ay tunay na tumutulong sa paglago ng kanilang buhay? O ito ba ay pang-aalipin na nagbabalatkayo bilang irregular na trabaho?

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 4,480 total views

 4,480 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 12,796 total views

 12,796 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 31,528 total views

 31,528 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 48,059 total views

 48,059 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 49,323 total views

 49,323 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 4,481 total views

 4,481 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 12,797 total views

 12,797 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 31,529 total views

 31,529 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 48,060 total views

 48,060 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 49,324 total views

 49,324 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 52,794 total views

 52,794 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 53,019 total views

 53,019 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 45,721 total views

 45,721 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 81,266 total views

 81,266 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 90,142 total views

 90,142 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 101,220 total views

 101,220 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 123,629 total views

 123,629 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 142,347 total views

 142,347 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 150,096 total views

 150,096 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top