236 total views
Namangha si Caritas Philippines National Director Archbishop Rolando Tria Tirona sa pagbisita ni Pope Francis sa refugee camp sa Lesbos Greece.
Halimbawang maituturing ni Archbishop Tirona ang pagkupkop ng Heswitang Santo Papa sa nasa 12 Syrian migrants patungong Vatican. Binubuo ng tatlong pamilya na kinabibilangan ng anim na bata na lahat ay pawang mga muslim.
Pahayag pa ng Arsobispo na ipinapakita ni Pope Francis ang tamang pagsasabuhay ng ebanghelyo hindi lamang sa pulpito kundi sa konkretong pagpapadama ng awa ng Diyos at pagmamalasakit sa mga isinasantabi ng lipunan.
“It is edifying, commendable and he shows example of Christian welcome. It is edifying, commendable and a true witness of the Gospel, evangelical welcome especially among the migrants. He lives out what he talks it is about inclusivity, he lives out concretely,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Tirona sa Radyo Veritas.
Nabatid na mahigit na 3,000 mga refugee ang nakapila sa gilid ng kalsada noong dumalaw ang Santo Papa kung saan sila ay may kaniya-kaniyang dalang mga karatula na humihingi ng tulong.
Sa taya naman ng United Nations High Commissioner for Refugees na umaabot sa kalahating milyon ang mga migrants na na dumarating sa bansang Greece simula noong 2015 na siyang pinakamalalang krisis sa mga refugee simula ng World War II.