Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paglinang sa wikang Filipino at katutubong wika, paiigtingin ng KWF

SHARE THE TRUTH

 1,118 total views

Inihayag ng Komisyon sa Wikang Filipino (K-W-F) ang pagpapaigting sa mga programa na magpapanatili sa wika kabilang na ang mga katutubong wika sa bansa.

Ayon kay Dr. Arthur Casanova, Tagapangulo at Kinatawan ng KWF, ang mga patimpalak na inilunsad ng komisyon ay paraan upang mas malinang ang kahusayan ng mga Pilipino sa paggamit ng wika at makatuklas ng mga talento lalo na sa kabataan.

“Unang una tumutuklas tayo ng mga bagong makata at mga mandudula, maging sa pagsulat ng mga sanaysay at panitikan upang mapangalagaan, mapagyaman ang wikang Filipino,” pahayag ni Casanova sa Radio Veritas.

Ito ng pahayag ni Casanova sa ginanap na ‘Araw ng Parangal 2022’ kung saan kinilala ang ilang indibidwal na nagwagi sa patimpalak na Tumula Tayo 2022: Pagsusulat ng Katutubong Tula; Dula Tayo 2022: Pagsusulat ng Dramatikong Monologo; Talaang Ginto Makata ng Taon 2022; at ang Gawad Dangal ng Panitikan 2022.

Nakatuon sa mga katutubo sa bansa ang tema ng bawat patimpalak kung saan tinatalakay dito ang kasalukuyang sitwasyon ng mga katutubo kabilang na ang kanilang karapatan at pangarap sa buhay.

Naniniwala si Casanova na malak ang maitutulong ng panitikan, dula, tula at mga sanaysay upang mapangalagaan ang interes ng halos 17-milyong Indigenous People sa Pilipinas na nabibilang sa 110 ethno-linguistic groups.

Sinabi ng opisyal na pagsama-samahin ng kWF ang mga isinulat na tula, dula at panitikan upang ilimbag sa aklat makalipas ang sampung taon.

Inaanyayahan ni Casanova ang mamamayan na lumahok sa mga patimpalak na inilulunsad ng KWF upang higit na malinang ang kasanayan ng mga Pilipino.

“Ini-engganyo ko ang ating mga kababayan na makiisa sa mga patimpalak na isinasakatuparan ng Komisyon sa Wikang Filipino dahil layunin nating payabungin ang mga talento ng ating mga kabataan sa larangan ng panitikan, dula, sanaysay at ito ay malaking hakbang upang patuloy na malinang ang panitikan,” giit ni Casanova.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 21,218 total views

 21,218 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 29,318 total views

 29,318 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 47,285 total views

 47,285 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 76,402 total views

 76,402 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 96,979 total views

 96,979 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 4,639 total views

 4,639 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 10,246 total views

 10,246 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 15,401 total views

 15,401 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top