Pagpapalaganap ng katesismo, pinalawak ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,790 total reads

Pinalalakas ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan ang katesismo bilang pagpapatibay sa biyaya ng pananampalatayang tinanggap ng mga Pilipino.

Ito ang pahayag ni Bishop Broderick Pabillo sa pagdiriwang ng Catechist Day tuwing ikatlong Linggo ng Setyembre.
Ayon sa obispo binibigyang pahalaga ng bikaryato ang pagtuturo ng katesismo sapagkat ito ang pangunahing maghuhubog sa pananampalataya lalo na sa mga kabataan.

“Sa ating Bikaryato ang catechesis ay isang pangunahing programa natin. Kaya nagte-train tayo ng mga katekista. Kaya hinihikayat natin na magkaroon ng pagtuturo ng pananampalataya sa bawat chapel natin linggo-linggo,” pahayag ni Bishop Pabillo.

Umaasa rin ang obispo na mapahintulutang makapagturo ng katekesis sa mga pampublikong paaralan sa mga nasasakupang komunidad ng bikaryato sa Northern Palawan sa susunod na taon upang higit mapaigting ang pananampalataya sa pamayanan.

Kinilala ni Bishop Pabillo ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga katekista sa lipunan dahil ito ang naghahanda sa mga kabataan sa pagtanggap ng mga sakramento tulad ng First Confession at First Communion gayundin ang kumpil.

“Mahalaga po ang papel ng mga katekista…Ginagabayan nila ang mga kabataan na mahalin ang Diyos at magdasal palagi. Kung kilala ng mga kabataan ang Diyos, madaling mahubog ang kaugalian nila tungo sa kabutihan,” ani Bishop Pabillo.

Kamakailan ay isinagawa ng bikaryato sa pangunguna ni Bishop Pabillo ang kauna-unahang Catechetical Congress na nilahukan ng mga mananampalataya ng bawat parokya.

Tema ng National Catechetical Month ngayong taon ang ‘Revitalizing the gifts of being, becoming, and belonging to the Ministry of Catechists’ kung saan binibigyang pagkilala ang mga katekistang katuwang ng simbahan sa pagpapalaganap ng turo ng simbahan sa mga paaralan at pamayanan.
Ito rin ay paggunita kay San Lorenzo Ruiz ang pintakasi ng mga katekista at unang Pilipinong santo na pinaslang dahil sa paninindigan at pagbabahagi ng pananampalataya.

Sa pagsusuri ng National Catechetical Studies katuwang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines nasa pagitan ng 40 hanggang 50 libo lamang ang mga katekista sa bansa na may mahigit sa 80 milyong populasyon ng mga katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 34,678 total reads

 34,678 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 82,744 total reads

 82,744 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 132,495 total reads

 132,495 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 291,694 total reads

 291,694 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 317,132 total reads

 317,132 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top