Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapatigil ng coal mining operation sa Semirara island, hiniling ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

 3,608 total views

Nanindigan si Caritas Philippines President San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, sa pamahalaan na huwag nang palawigin o muling ipagkaloob ang coal operating contract sa Semirara Island na magtatapos sa 2027.

Iginiit ni Bishop Alminaza na ang patuloy na pagmimina ng karbon ay nagdulot ng pangmatagalang pinsala sa kabuhayan, kalikasan, at kinabukasan ng mga komunidad sa isla.

Ayon sa obispo, hindi teknikal o neutral ang desisyong kinahaharap ng pamahalaan kundi isang moral na usapin na magpapakita kung sino ang tunay na pinahahalagahan, ang kita ng iilan o ang buhay ng mga mamamayan.

Ibinahagi niya ang sinapit ng mga seaweed farmer na nawalan ng ani at kita matapos maapektuhan ng coal pollution ang mga taniman sa dagat.

“Repeated across the island in many forms, this experience tells us more about coal than any balance sheet ever will,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Tinukoy ni Bishop Alminaza na bagama’t tahanan ng pinakamalaking open-pit coal mine sa bansa, ang Semirara ay isa ring isla na mayamang-mayaman sa likas na yaman—mula bakawan hanggang yamang-dagat—na unti-unting nasira habang inuuna ang interes ng iilan.

Aniya, ang mga desisyon ukol sa isla ay matagal nang ginagawa sa labas ng komunidad, malayo sa mga pamilyang direktang apektado.

Binigyang-diin ni Bishop Alminaza, na matapos ang ilang dekada ng pagmimina at bilyong pisong kita, marami pa ring pamilya sa Semirara ang nananatiling mahirap, lantad sa panganib, at walang katiyakan ang kinabukasan, na maituturing na hindi pag-unlad bagkus, dahan-dahang pagkakait ng kabuhayan ng mga tao.

Dagdag pa ng obispo, hindi rin makatarungan ang ipinagmamalaking papel ng karbon sa energy security ng bansa, dahil nananatiling import-dependent ang coal supply habang patuloy na pasan ng mamamayan ang mataas na singil sa kuryente.

“Energy security that depends on imported coal is neither secure nor just. In truth, what is defended as necessity is convenience for those who do not bear the cost,” giit ni Bishop Alminaza.

Dahil dito, nanawagan ang Caritas Philippines ng agarang coal phaseout at isang makatarungan at malinaw na just transition na magbabalik ng kabuhayan, mangangalaga sa kalikasan, at magtataguyod ng renewable energy na nakatuon sa kapakanan ng mga komunidad.

Nilinaw ni Bishop Alminaza na hindi niya kinokondena ang mga manggagawang umaasa sa pagmimina, kundi ang sistemang nagpapasan ng pinsala sa mahihirap habang kinakamkam ang kita ng iilan.

“The time to end coal in the Philippines is now. To delay is to choose harm. To act is to choose life,” saad ni Bishop Alminaza.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag gawing normal ang korapsyon

 13,959 total views

 13,959 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 121,732 total views

 121,732 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 145,516 total views

 145,516 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 157,686 total views

 157,686 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 342,881 total views

 342,881 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Hayuma, inilunsad ng Caritas Philippines

 55,162 total views

 55,162 total views Binigyang-diin ng mga lider ng simbahan ang pangangailangang suriin at palalimin ang pagtugon ng Simbahan sa panawagan ng Laudato Si’ makalipas ang isang

Read More »
Scroll to Top