Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpayag ng Pangulong Duterte sa pagtatayo ng casino sa Boracay, kinondena ng PNE

SHARE THE TRUTH

 476 total views

Kinondena ng grupong Kalikasan Peoples Network for the Environment ang pagpapahintulot ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagtatayo ng casino sa Boracay.

Ayon sa pahayag ng Kalikasan PNE, magdudulot lamang ng panganib sa kalikasan ang pagtatayo ng nasabing casino sa Boracay dahil sa mga malilikhang basura ng mga tao, gayundin ang posibilidad na maaari itong pagmulan ng COVID-19 transmission sa buong isla.

“Mega Casinos in Boracay were a poor idea even before the pandemic, and it only became worse after the outbreak. Mr. Duterte’s approval of Boracay casinos would result in a rise in hazardous amounts of human waste on the island, as well as COVID-19 superspreader occurrences,” pahayag ng Kalikasan PNE.

Batay sa ulat, ginawaran ng lisensya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang Galaxy Entertainment Group (GEG) para sa isang $500-milyong integrated casino resort project.

Katuwang naman ng GEG ang Leisure Resorts World Corporation sa pagbili ng aabot sa 23-ektaryang lupain sa Barangay Manoc-Manoc, na isa sa mga tatlong barangay sa Boracay Island.

Paliwanag ng Kalikasan PNE na kapag natuloy ang binabalak na proyekto, malabo ring makapag-ambag ito sa ekonomiya ng bansa lalo na ngayong patuloy ang epekto ng pandemya sa bansa na nagbabawal sa pagpapapasok sa mga turista.

“With daily positive cases exceeding 20,000 and insufficient mass testing, contact tracing, isolation, and treatment, we cannot anticipate these entertainment facilities to remain safe and profitable anytime in the near future,” saad ng grupo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 12,758 total views

 12,758 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 28,847 total views

 28,847 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 66,590 total views

 66,590 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 77,541 total views

 77,541 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 21,813 total views

 21,813 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 21,815 total views

 21,815 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top