Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagsasampa ng kaso laban sa Shell, suportado ng CBCP-ECSA-JP

SHARE THE TRUTH

 528 total views

Opisyal na nagpasa ng kaso noong December 11, 2025 sa United Kingdom ang 67 biktima ng Super Typhoon Odette mula Cebu at Bohol laban sa oil giant na Shell, isang makasaysayang hakbang na layong papanagutin ang kumpanya sa mga pinsalang dulot ng lumalalang krisis sa klima.

Ayon sa mga nagsampa ng kaso, may pananagutan ang Shell sa bigat ng pinsala ng Bagyong Odette noong 2021 dahil sa malaking ambag nito sa global carbon emissions at climate change.

Hiniling ng mga biktima ang financial compensation para sa mga nasawi, nasaktan, at nawalan ng tahanan, pati na rin ang paghihigpit sa operasyon ng korporasyon na patuloy na nagdudulot ng polusyon.

“This moment truly matters because it centers on the voices of communities who suffered immense loss yet have long been unheard,” ayon sa pahayag.

Kinilala naman ng Simbahang Katolika ang pagsasampa ng kaso bilang mahalagang hakbang sa moral at panlipunang pananagutan.

Binigyang-diin ni Bishop Gerardo Alminaza, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace (CBCP-ECSA-JP) at pangulo ng Caritas Philippines, na hindi maaaring manahimik ang Simbahan habang patuloy na naaapektuhan ang mahihirap ng krisis sa klima.

Ayon kay Bishop Alminaza, ang kaso ay paalala na ang desisyon at kapabayaan ng malalaking korporasyon ay may tunay na epekto sa buhay ng mga tao.

Kasabay ng pagdiriwang ng Taon ng Hubileo ng Pag-asa, nanawagan ang obispo sa pamahalaan, pampublikong sektor, at mamamayan na makiisa sa panawagan para sa climate accountability at kaligtasan ng mga komunidad, lalo na sa gitna ng mga desisyong nagbabalik sa mapanganib na fossil fuel dependence.

“Let us support efforts that seek truth, accountability, and healing. Climate justice is not against development. It ensures that development does not sacrifice lives, creation, and future generations,” ayon kay Bishop Alminaza.

Ang pananalasa ng Super Typhoon Odette, na may international name na Rai, noong 2021 ay nagdulot ng malawakang pinsala sa Visayas at Mindanao, kumitil ng daan-daang buhay, at puminsala sa libo-libong tahanan at kabuhayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng mga OFW

 39,319 total views

 39,319 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 55,491 total views

 55,491 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 95,202 total views

 95,202 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 155,468 total views

 155,468 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 167,760 total views

 167,760 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Pagiging GMO free, panawagan ng Negros Bishops

 35,256 total views

 35,256 total views Nanawagan ang mga obispo ng Negros Occidental na panatilihin ang 18-taong pagbabawal sa genetically modified organisms (GMOs) sa lalawigan upang mapangalagaan ang kalusugan,

Read More »
Scroll to Top