Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pakikiisa at pakikipag-ugnayan, mensahe ng Replica procession ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

 379 total views

Pakikiisa at pakikipag-ugnayan ang mensahe ng isinasagawang Replica Procession ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Ito ang ibinahagi ni Msgr. Hernando Coronel – Rector ng Minor Basilica of the Black Nazareno Quiapo Church kaugnay sa Replica Procession na isinasagawa dalawang araw bago ang Traslacion ng Mahal na Poong Hesus Nazarezo.

“Ang replika ito ay larawan, ito’y imahen ng indibidwal, yung pamilya, yung kumunidad,yung balangay kanila ito, at ngayon isinasama ito sa prosesyon ng hari sa araw na ito. So ito ay ang pakikiisa saka soliridad at pakikipag-ugnay kaya makikita natin na yung ito galing pa sila sa iba’t ibang mga lugar at saka sa iba’t ibang bahagi ng bansa, so maganda itong Replica Procession at very festive at masaya.” pahayag ni Msgr.Coronel sa panayam sa Radio Veritas.

Pagbabahagi pa ng Pari, makikita sa iba’t ibang kasuotan at ayus ng mga replika ng imahen ng Poong Hesus Nazareno ang pagiging malikhain at katangi-tanging ekspresyon ng mga mananampalatayang Filipino sa kanilang debosyon.

Gayunpaman, nilinaw ni Msgr. Coronel na dapat pa ring mangibabaw ang paggalang sa imahen na Mahal na Poong Hesus Nazareno na nagpapakita ng kalbaryo ni Hesus, ang bugtong na anak ng Diyos at Prinsipe ng kapayapaan mailigtas lamang ang sangkatauhan mula sa kasalanan.

Umaasa rin ang pamunuan ng Quiapo Church na nawa ay sa pangangalanga ng imahen ng bawat grupo o balangay ay mas makatulong rin ito sa pagpapanibago ng buhay at pagpapalalim ng pananampalataya ng bawat mananampalataya.

Batay sa tala ng Quiapo Church, umabot sa halos 1,000 replika ng imahen ng Mahal na Poong Hesus Nazareno ang nakiisa sa Replica Procession kabilang na ang 600 replica ng iba’t-ibang samahan o balangay na nagpatala sa Simbahan at higit 400 maliliit na replika ng imahen na dala ng mga deboto na nakiisa sa prosesyon na nagsimula sa Plaza Miranda pabalik ng Quiapo Church.

Ngayong taon unang inilabas at iprinosisyon ang imahen ng Mahal na Poong Hesus Nazareno ng Simbahan ng Quiapo na sinundan ng replika ng imahen mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 7,162 total views

 7,162 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 15,262 total views

 15,262 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 33,229 total views

 33,229 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 62,577 total views

 62,577 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 83,154 total views

 83,154 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 439 total views

 439 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 11,611 total views

 11,611 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top