Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pakikipagtulungan ng DOLE sa Simbahan, pinuri

SHARE THE TRUTH

 312 total views

Ikinagalak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Pastoral Care for Migrants and Itinerant People ang maayos na pakikipagtulungan ng Simbahan at ng pamahalaan upang maisalba ang 100 Overseas Filipino Workers sa Kuwait na nawalan ng trabaho.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, nagpapasalamat ito sa ilang sangay ng pamahalaan tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tumungo mismo roon upang masiguro ang kaligtasan at kalagayan ng mga migranteng Pilipino sa Saudi Arabia.

Kinilala rin ni Bishop Santos ang masigasig na ugnayan ng embahada ng Kuwait sa mga misyonerong pari at sa Apostolic Vicar ng Northern Arabia na si Bishop Camillo Ballin na nagsumikap upang tuluyang makakuha ng “exit permit” na inaasahan namang makauuwi na ng Pilipinas ngayong Linggo.

“Tayo ay natutuwa at dumating sa atin ang balita na kung saan ay mahigit na 100 na ating manggagawa sa Kuwait ay maipapa – uwi na rito. Ito ay maganda na kung saan nakikita natin ang tulungan ng simbahan at pamahalaan. Kami ay nagpapasalamat sa embassy natin dun sa Kuwait at sa mga pari natin doon at higit sa lahat sa obispo na nangangalaga sa Northern Arabia Vicariate kay Bishop Camilo Ballin,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam Veritas Patrol.

Nabatid na sa ulat ng DOLE na nasa 11,000 OFWs ang apektado ng mga naluluging kumpanya sa Riyadh at Jeddah sa Saudi Arabia na hindi napapasahod ng tama habang ang ilan naman ay tuluyan ng nawalan ng trabaho.

Magugunitang una ng kinilala ni Pope Francis ang kasipagan ng mga halos 15 milyong OFWs sa buong mundo na nagsasakripisyo makaahon lamang sa kahirapan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Senadong tumalikod sa tungkulin

 12,139 total views

 12,139 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 86,440 total views

 86,440 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 142,196 total views

 142,196 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 103,131 total views

 103,131 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 104,241 total views

 104,241 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 7,358 total views

 7,358 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 92,984 total views

 92,984 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 118,798 total views

 118,798 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 151,819 total views

 151,819 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567