Pamahalaan, hinamon ng Obispo na pagtuunang pansin ang sektor ng agrikultura

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,544 total views

Isulong ang kabutihan ng mga magsasaka at mangingisda, hamon ng Obispo sa pamahalaan.

Umapela si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa pamahalaan at mamamayan na paigtingin ang pakikiisa sa mga magsasaka at mangingisda upang umunlad ang lokal na sektor ng agrikultura.

Ayon sa Obispo, higit na kailangan ng mga manggagawa sa sektor ng agrikultura ang sapat na suporta mula sa pamahalaan sa gitna ng nararanasang El Niño Phenomenon at sa panahon ng tag-ulan.

“Ngayon pong buwan ng Mayo ito po’y buwan ng mga magsasaka at mga mangingisda kaya sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo ay mayroon tayong kapistahan ni San Isidro Labrado na siya po ang Patron ng mga Magsasaka at marami po sa mga maliliit na magsasaka natin sila po ay mangingisda rin kasi sila ay nasa tabi ng dagat kaya ngayon po ang panawagan nila na dapat natin sana mas bigyan pa ng pansin ang mga magsasakat at mga mangingisda,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.

Inihayag ng Obispo na sa pagbibigay prayoridad sa sektor ng agrikultura ay makakamit ng bansa ang food security.

Hinahamon ng Obispo ang pamahalaan na unahin ang pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura sa halip na palakasin ang importasyon ng mga imported na agricultural products.

“Kaya’t pahalagahan po natin at kilalanin ang mga magsasaka at mga mangingisda, sana po ito ay ginagawa din ng ating pamahalaan na mabigyan sila ng nararapat at angkop na tulong para sa kanilang gawain, at ngayon pong mga buwan na ito, naranasan po natin ang matinding tag-init at marami pong nagdusa dito kaya ang mga magsasaka natin, marami ang mga tanim nila ay talagang nanuyo at hirap po sila sa kanilang hanapbuhay,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Pabillo.

Ang mensahe ng Obispo ay sa paggunita ngayong buong buwan ng Mayo bilang National Farmers and Fisherfolks Month.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 191,100 total views

 191,100 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 221,323 total views

 221,323 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 247,968 total views

 247,968 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 342,941 total views

 342,941 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 351,589 total views

 351,589 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top