Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pamahalaan, Umaasang may buhay pa sa gumuhong minahan sa Benguet

SHARE THE TRUTH

 770 total views

Umaasa pa rin ang Gobyerno na may makukuhang buhay mula sa mga gumuhong minahan sa Benguet.

Ito ayon kay Presidential Adviser on Political Affairs Secretary Francis Tolentino, In-Charge ng Disaster response for Typhoon Ompong kaugnay sa patuloy na isinagawang rescue at retrieval operation partikular sa Itogon, Benguet at Baguio City.

“Im not giving up hope kasi marami namang mga incident na kahit na two weeks may survivor pa,” ayon kay Tolentino.

Sa tala, may 81 na ang bilang ng mga bangkay na nakukuha habang higit pa rin sa 50 ang nawawala.

Tiniyak din ng kalihim ang pagbibigay ng pagbababasbas ng mga pari sa oras na makita at makilala ang mga bangkay mula sa guho.

Bukod dito, isinaayos na rin ng kalihim ang sistema ng paghuhukay sa pamamagitan ng paghahati-hati ng mga lugar sa mga Pulis, Sundalo, Bumbero at mga Volunteers kasabay na rin ang pagdaragdag ng mga canine na tutulong para sa paghahanap ng mga katawan.

Sa ganitong paraan ayon sa kalihim ay mas mabilis ang paghahanap at ang pagkakataon na makakuha pa ng mga ‘Survivor’.

Una na ring nagpahayag ang simbahan ng pasasalamat sa lahat ng mga volunteers na nagtutulong-tulong sa mga biktima at isang paraan din ng pakikiisa at pagmamalasakit sa kapwa.

Sa pahayag ni Davao Archbishop Romulo Valles, Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, nawa ang presensya ng mga nagmamalakasakit ay magbigay din ng lakas ng loob sa mga naapektuhan ng bagyo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 7,929 total views

 7,929 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 24,897 total views

 24,897 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 40,727 total views

 40,727 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 133,080 total views

 133,080 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 151,246 total views

 151,246 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

12-percent VAT, bawasan ng 2-porsiyento

 22,063 total views

 22,063 total views Naniniwala si Sen. Erwin Tulfo na hindi malaking kawalan sa pondo ng pamahalan kung babawasan ng dalawang porsiyento ang umiiral na 12 percent

Read More »
Scroll to Top