Panawagan kay Pangulong Duterte: Pakinggan ang hinaing ng mga Filipino

SHARE THE TRUTH

 413 total views

July 25,2020-12:50pm

Umapela si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ihayag sa taumbayan ang tunay na kalagayan ng bansa sa kanyang ikalimang Pag-uulat sa Bayan sa Lunes, ika-27 ng Hulyo.

Ayon sa Obispo, hindi dapat na magbulag-bulagan ang Pangulo sa tunay na estado ng bansa kung saan kasalukuyan ay laganap ang kahirapan, pagkasira ng kalikasan, kawalan ng hanapbuhay at kamatayan hindi lamang dahil sa novel coronavirus kundi maging sa nauna ng tinaguriang ‘state-endorsed killings’.

“In his upcoming SONA, we appeal to the President not to turn a blind eye on the dire state of our people. Today, the spate of deaths continues not only through state endorsed killings, but also through rampant hunger, loss of livelihood, and environmental degradation, among many others,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Giit ng Obispo, napapanahon ng makinig at tugunan ng Pangulo ang mga hinaing ng mga Filipino kaugnay sa tunay na mga suliranin sa lipunan.

Paliwanag pa ni Bishop Alminaza, mahalagang marinig ng taumbayan ang mga plano ng pamahalaan upang matugunan ang mga suliraning kinahaharap ng bansa lalo na sa kasalukuyang krisis na dulot ng pandemya.

“We are tired of hearing unwarranted jokes and threats in his speeches; we call on the President to listen to the cries of the people, present concrete solutions in his SONA, and serve in the interest of the public,” ayon pa sa pahayag ng obispo.

Paliwanag ng Obispo higit kailanman ay kinakailangan ngayon ng bansa ang masusing pamamahala ng gobyerno upang matugunan ang krisis na dulot ng pandemya sa pamamagitan ng solusyong pang-medikal at hindi sa pamamagitan ng pagtutok sa iba’t ibang usapin na mas nagpapahirap lamang sa mga mamamayan.

Kabilang din sa tinukoy ni Bishop Alminaza na mga hindi napapanahong usaping na mas binigyang pansin ng pamahalaan ay ang pagsusulong ng Anti-Terrorism Law na nagdudulot ng karahasan at kaguluhan.

Binanggit din ng Obispo ang nagaganap sa Negros province kung saan nananatili ang karahasan na nagsimula pa noong inilunsad sa administrasyon ang War on Drugs.

Hulyo taong 2019 nang magsimula ang papatunog ng kampana ng buong Diyosesis ng San Carlos upang maipaabot ang apela ng mamamayan na mawakasan na ang walang kabuluhang pagpaslang sa lalawigan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIVATIZATION

 69 total views

 69 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 21,093 total views

 21,093 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 40,065 total views

 40,065 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 72,730 total views

 72,730 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 77,740 total views

 77,740 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top