Pangangasiwa sa DAP, inilipat sa NEDA

SHARE THE TRUTH

 13,567 total views

Tiniyak ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pagpapatibay sa mga pag-aaral, polisiya at adbokasiya ng Development Academy of the Philippines (DAP).

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, nananatiling layunin ng DAP ang pagpapaunlad sa ekonomiya ng Pilipinas at maging ng pamahalaan.

Sinabi ng kalihim na sa pamamagitan ng iba’t-ibang development programs ay makakamit ang mataas na productivity growth at magpapalawak sa kasanayan ng mga kawani at opisyal ng gobyerno.

“Our development plan for socioeconomic transformation emphasizes the need to enhance productivity frameworks across government sectors and transform them into cohesive capacity development programs and incentive structures. Thus, DAP’s productivity capability development programs greatly contribute to this strategy,” ayon sa mensahe ni Balisacan na ipinadala sa Radio Veritas.

Ang mensahe ng kalihim ay matapos ilipat ng pamahalaan sa NEDA ang pangangasiwa sa DAP.

Ang Development Academy of the Philippines ay korporasyon na pagmamay-ari ng pamahalaan na nagsasagawa ng mga pag-aaral, inisyatibo, hakbang, pananaliksik at pagtugon sa mga development programs na magpapaunlad sa ekonomiya ng bansa.

Nakasaad sa katuruang panlipunan ng simbahang katolika na hindi masama ang pag-unlad higit na kung kasama ang mga mahibhirap.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

50-PESOS WAGE HIKE

 24,180 total views

 24,180 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 34,808 total views

 34,808 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 55,832 total views

 55,831 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 74,547 total views

 74,547 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 107,096 total views

 107,095 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top